Anak ng Magsasaka sa Cagayan ang swerteng nakakuha ng P16M scholarship mula sa Duke University!

Anak ng Magsasaka sa Cagayan ang swerteng nakakuha ng P16M scholarship mula sa Duke University!


Marami sa mga magulang ay talaga namang sinisikap na mapag-aral ang kanilang mga anak. Titiisin ang bawat hirap, pagod at kakayod para sa kapalaran ng

Pinay yaya noon sa HongKong, isa na ngayong CEO ng private school sa Canada.
Italyanong napadpad sa Pilipinas, natagpuan ang kanyang soulmate sa isang Pinay nurse.
Isang Guro, patok ang naisipang negosyo na bunga ng hilig nito sa kape.

Marami sa mga magulang ay talaga namang sinisikap na mapag-aral ang kanilang mga anak. Titiisin ang bawat hirap, pagod at kakayod para sa kapalaran ng kanilang anak. Kaya naman ay nararapat lamang nasuklian ito ng mga kabataan ng kanilang pagpupursige na makakuha ng mataas na antas sa kanilang pagaaral.

Duke University

Mula Cagayan ay tiyak na abot langit ang tuwa ng mga magulang ni Edrian Paul Liao nang mabigyan ng scholarship ang anak sa isa sa pinaka prehisteyosong paaralan sa buong mundo. Nagtapos mula Philippine High School Cagayan Valley si Edrian at dahil sa pagpupursige nito ay nakakuha ito ng magandang academic record mula sa paaralan. Ito ang nagbukas ng pinto para makakuha ng offers si Edrian mual sa iba’t ibang paaralan sa buong mundo. Isa sa mga nagoffer sa 18-anyos ay ang Duke University sa North Carolina, US.

Duke University

Maliban sa pagkakataon na makapagaral doon ay nakatangga din ito ng P16.4 Million scholarship grant. Isang napakagandang pagkakataon ang makapagaral sa ibang bansa at lalong lalo na sa Ivy League na paaralan sa United States. Ilan sa mga sikat na personalidad na nakapagtapos sa Duke University ay Philantrophist na si Melinda Gates, Apple CEO Timothy Cook, at dating US President na si Richard Nixon.

Pagbabahagi ni Edrian, ang kanyang ama ay isang magsasaka at midwife naman ang kanyang ina. Tunay na nagpapasalamat ito sa kanyang mga magulang na todo ang suporta sa kanya at ngayon ay mas lalong napapalapit sa kanyang mga pangarap. Ang ina umano nito ang talagang nagtulak sa kanya na pagbutihin ang pagaaral. Saad ni Edrian, “her investments for me really paid off, and I am forever grateful for what she has done for me.” Umaabot sa P2.5 Million ang isang taon na tuition fee sa Duke University, kaya naman isang malaking tulong na nakapasa si Edrian sa Scholarship.

Si Edrian ang kauna-unahang Pilipino na nakatanggap ng Karsh International Scholarship Program na nagkakahalaga na P16.4 Million (USD 328,00). Kukuha ng BS Mechanical Engineering Minor in Computer Science ang kursong tatahakin ni Edrian. Saad ni Edrian sa isang panayam, “I felt ecstatic when I found out I got into such a prestigious and highly selective U.S. university. I’m most excited about meeting people from different walks of life… The students are really diverse.”

Sadyang kahanga-hanga ang naabot ni Edrian, marami ang hinahangad ang ganitong pagkakataon at naibigay ito kay Edrian. Nawa ay magsilbing inspirasyon ang kwento ni Edrian sa mga magaaral na dumadaan sa pagsubok ngayong panahon ng pandemya. Huwag hayaang maging hadlang ang sitwasyon sa pangarap na nais maisakatuparan.

 

Sources:

studyinternational.com

mb.com

COMMENTS