Viral walking hotdog vendor sa Makati, isang inspirasyon sa panahon ng pandemya.

Viral walking hotdog vendor sa Makati, isang inspirasyon sa panahon ng pandemya.


Isa ka rin ba sa nagiisip pa ng paraan papaano maitataguyod ang pamilya ngayong pandemya? Mainam na kumuha muna ng inspirasyon sa mga taong masikap na

Pinay yaya noon sa HongKong, isa na ngayong CEO ng private school sa Canada.
Manong konduktor noon, limousine driver na pala ngayon sa Los Angeles, California.
Batang inabandona noon ng sariling magulang, isa nang matagumpay na Scientist sa Amerika ngayon.

Isa ka rin ba sa nagiisip pa ng paraan papaano maitataguyod ang pamilya ngayong pandemya? Mainam na kumuha muna ng inspirasyon sa mga taong masikap na naghahanapbuhay.

Usap-usapan online ang walking hotdog vendor sa Makati. Maliban sa may edad na ito ay agaw pansin ang kakaibang estilo nito sa pagbebenta ng hotdog. Hindi kase nakalagay sa food cart ang kaniyang paninda kundi buhat-buhat nito ang kanyang maliit na lutuan at hatak-hatak naman ang maleta na naglalaman ng kanyang paninda.

Siya ay si Anthony Espino o si ‘Mang Bobby’ na 53 taong gulang na. Sa panayam sa kaniya ng ‘Unang Hirit’, ang kanyang dinadala ay may bigat na 9.5 kilograms at laman nito ang kalan, hotdogs, buns at mga sauce na ginagamit nito sa pagtitinda. Ang kanyang apparatus sa pagtitinda ay mula umano sa isang pribadong kompanya na naglungsad ng ‘Walking Hotdog Project’, na may layunin tumulong sa mga taong nais mag-hanapbuhay.

Walking Hotdog Vendor

Sa katunayan, isa palang stroke survivor si Mang Bobby, at naglalakad ng tatlong oras mula Caloocan papunta Makati upang doon magtinda. Nakakabilib ang tinitiis at pagpupursige ni Mang Bobby. Kwento naman nito ay ginagawa niya ito para sa kanyang pamilya, lalong-lalo na sa kanyang asawa na kasalukuyang nasa ospital dahil sa pneumonia. Saad ni Mang Bobby, “Hindi ko rin alam [kung paano ko kinakaya]. Basta ang alam ko, gawin ko lang ang kaya ko.”

Walking Hotdog Vendor

Nakatanggap naman si Manong Bobby ng groceries na makakatulong sa kanilang pamilya at pati na rin ng laptop para sa online school ng anak mula sa programa ng Unang Hirit. Hindi na napigilan ni Mang Bobby na maiyak dahil malaking tulong ito sa kanilang pamilya. Lubos itong nagpasalamat at tinulungan din ng programa na mai-uwi ang mga regalo sa kaniya.

Walking Hotdog Vendor

Tunay na nakakainspire ang kwento ni Mang Bobby na dedikado na maghanapbuhay para sa pamilya sa kabila ng mga pinagdaanan sa buhay. Hindi rin ito nagpadala sa lungkot at takot na dala ng pandemya, at pilit na lumalaban sa buhay.

 

COMMENTS