Manny Pacquiao, pinabilib ang mga banyaga sa pagbigay nito ng tulong sa isang pulubi.

Manny Pacquiao, pinabilib ang mga banyaga sa pagbigay nito ng tulong sa isang pulubi.


Sikat si Manny Pacquiao dahil sa galing nito sa boxing. Habang sunod-sunod ang mabubuting gawa ng ‘Pambansang Kamao’ sa ating bansa, tanging pagiging

Lola na nangongolekta ng seafood sa dagat, pursigido dahil sa anak nitong may sakit.
5 businesses owned by inspiring Pinay lady bosses that started during pandemic
“I am not my circumstances:” Kilalanin si Xyza Cruz Bacani isang OFW photographer na naging scholar at nakapagtapos ngayon sa New York University!

Sikat si Manny Pacquiao dahil sa galing nito sa boxing. Habang sunod-sunod ang mabubuting gawa ng ‘Pambansang Kamao’ sa ating bansa, tanging pagiging boxingero lamang ang ikinahahanga sa kanya ng mga dayuhang fans nito. At ngayon, mukhang hindi lamang sa kamao ng senador napabilib ang mga ito.

May be an image of 1 person, standing and outdoors

Isang pulubi ang tila nabagsakan ng mundo, ang namataan ni Manny sa tabi ng kalsada sa Los Angeles. Walang pagdadalawang-isip na inabutan ito ni Pacquiao ng $100 bill at matiyagang nagantay na tanggapin ito ng pulubi. Agad namang nakilala ng pulubi si Manny pati na rin ang mga tao sa paligid kaya naman ay nagdagsaan ang mga ito sa kotse ng senador.

Tila natulala at di makapaniwala ang pulubi kaya naman ay nanatili itong nakatitig kay Manny. Nagpalakpakan at bumilib ang mga tao sa paligid sa pagbigay tulong ng Pinoy boxing legend. Isang Pinoy fan naman ang nagsalita sa dulo ng video, “Ganyan talaga si sir Manny, mapagbigay yan.”

May be an image of 4 people, people standing and outdoors

Matatandaan na nakaranas si Manny ng kahirapan bago ito sumikat at yumaman sa industriya ng boxing. Marami nang boxingero ang nainspire sa kwento ng buhay ni Manny. Minsan na nitong sinabing, “I know what it feels like to be poor and hungry.”

Kasalukuyang nasa U.S. si Manny Pacquiao upang magensayo sa nalalapit niyang laban sa WBA Welterweight Champion na si Yordenis Ugas. Ang makakalaban sana ni Manny ay si Errol Spence subalit nagtamo ng injury ito habang nageensayo kaya naman si Yordenis ang tumayong kapalit nito. Bagamat nasa ibang bansa, ay hindi nito kinakalimutan ang maging matulungin sa kapwa at piniling magbigay sa mga taong nangangailangan.

 

 

COMMENTS