Naninisid lang noon ng barya sa Pier, isa nang ganap na teacher ngayon!

Naninisid lang noon ng barya sa Pier, isa nang ganap na teacher ngayon!


Naniniwala ka ba na tayo ay may kapangyarihan na baguhin ang ating kapalaran? May mga sandali sa ating buhay na mararanasan natin ang pagusbong ng det

Dayuhan na taga Hongkong, nagpunta ng Pilipinas upang alagaan ang dati nitong nanny matapos malaman ang kalagayan nito.
Lola nagsumikap at nakapagtapos ng Kolehiyo sa edad na 68
Tinaguriang ‘heroic-nanny’ ang isang Pinay caregiver sa Canada matapos iligtas ang dalawang alagang bata.

Naniniwala ka ba na tayo ay may kapangyarihan na baguhin ang ating kapalaran? May mga sandali sa ating buhay na mararanasan natin ang pagusbong ng determinasyon na baguhin ang ating kapalaran. Kailangan lamang ay panghawakan natin ito at magpursige sa pagabot ng ating pangarap.

Isang kwento ng babaeng Badjao ang nagbigay inspirasyon sa social media. Tanging panlilimos sa kalsada at paninisid sa pier para sa baryang nakakalat dito ang paraan ni Arlene E. Alex upang kumita ng pera na magagamit sa pang araw-araw. Bagamat maagang namulat sa kahirapan ay nagpursige ito mangarap hindi lamang para sa kanyang sarili kundi pati na rin mga batang Badjao.

Nakabilang si Arlene sa tatlong babaeng pinangaralan ng Natatanging Batangueno RotAwardees ng Rotary Club of Batangas noong February 2021. Ipinakilala si Arlene bilang, “A 28 year old Badjao teacher who started as a begger and ‘maninisid ng barya sa pier’ but changed her life by finishing her education and even having Master’s Degree.

“She now teachers IPED [Indigenous people education]learners, also Badjao children, and aims to help her own people and educate them the same way she was educated.”

May be an image of 5 people and people standing

Ibinahagi din ni Arlene ang kwento ng kanyang buhay sa programang PIA ngayon Calabarzon sa J101.5 FM Radio noong March 2021. Ayon rito, siya ay half-Badjao at half-Tagalog. Mahigpit umano binibilin sa kanya ng kanyang ama na huwag manlimos o manisid ng barya. Saad ni Arlene, “Yung pride po na Tagalog siya, ‘tapos baka makita ako ng mga kamag-anak ko. So ayun po ay hindi ko gawain sadya.”

Subalit isang pagsubok ang kinaharap ng kanyang pamilya nang magkasakit ang kanyang ama. Pagbabalik tanaw ni Arlene, “Dumating lang po sa point na kailangan ko po siyang gawin para po makatulong ako sa pamilya ko. Lalo po nang magkasakit yung tatay ko, hanggang sa maatay po siya nung ako po ay 12 years old.”

Nagpasya na itong manisid ng barya sa pier tuwing may mga pasahero na naghahagis rito. Marami sa kanilang tribo ang gumagawa nito kasama na ang kanyang mga pinsan. Naisip nitong ito ang paraan upang makatulong sa kanyang pamilya. “Eight years old po nag-start na akong manisid sa pier para lang po maka-survive  sa araw-araw at may panustos sa pag-aaral,” pagkukuwento ni Arlene.

Dagdag pa nito, “Tapos po yung panlilimos, nag-start po siya nung mamatay si Tatay, kasi wala nang pipigil sa akin na pumunta ako sa lansangan. Kasi po na-amaze po ako sa mga pinsan ko na meron po silang dala-dalang barya, mga pinalimusan nila, na naitutulong nila sa mga pamilya nila.”

“Kaya ako naging manlilimos at naninisid sa pier.”

May be an image of 1 person

Hindi naman ikinahihiya o pinagsisisihan ni Arlene ay dating gawain dahil ito ang nagturo sa kaniya na magsikap na kumita ng pera. Pagbabahagi pa nito, ang kanyang ina ay isang, ‘dakilang labandera’. Dumadayo pa ito sa Manila tuwing Pasko at summer para lamang mamalimos, subalit dumating ang sandali na dumanas ng depresyon ang kanyang ina dahil sa mga alaala ng kanyang ama sa kanilang lugar. Nagpasya umano silang bumalik sa isla ng mga Badjao, at dito nagkaroon ng oportunidad mag-aral si Arlene sa tulong ng mag-asawang misyonaryo sa kanilang lugar.

Ipinadala si Arlene sa isang youth camp sa Laguna upang mag-aral. Dito ay pinaghusayan ni Arlene ang kanyang pagaaral upang matupad ang kanyang mga pangarap. Saad nito, “Sabi ko po sa sarili ko, ‘Parang ang hirap mabuhay na nakadepende ako sa tao’.”

“Kaya sabi ko kailangan kong mag-aral kahit hindi na ako makauwi, basta makatapos ako. Sabi ko sa sarili ko, ‘Hindi pupuwede na hanggang dito na lang ako. Babalik na naman ako sa lansangan.”

May be an image of 2 people, people standing and indoor

Nakitaan naman siya ng potential ng isang pastor at inalok si Arlene na pagaaralin sa highschool. Subalit natigil siya sa second year dahil hindi na kaya ng pastor na tustusan ang pagaaral niya. Sakto naman ay dumating ang programang ALS [Alternative Learning System] at ito ang naging daan upang makuha nito ang highschool diploma nito.

Nang makapagtapos ito ng highschool ay naisip nitong hindi na siya makakapagkolehiyo subalit hindi pa pala dito nagtatapos ang biyaya sa kaniya. Isang professor sa University of Batangas ang nagtulak sa kaniya na kumuha ng scholarship sa paaralan at sa kalaunan ay naging scholar siya.

May be an image of 1 person, standing and text that says 'Ang dating maninisid barya sa PIER noon, MASTERŚ DEGREE GRADUATE na ngayon -ARLENE EJE ALEX MAED EM'

Naging emosyonal naman si Arlene, pagpapatuloy nito, “Sabi ko nga po ayoko habang buhay nasa lansangan. Ayoko habang buhay humihingi ng awa ng tao, kasi wala kang magawa kasi wala kang natapos.”

“Naisip ko rin yung mga katribo ko na yung binu-bully, kasi wala kaming natapos. Yung masakit po, yung sakit ng ulo kami ng lipunan.”

“Sabi ko sa sarili ko, hindi habang buhay ganito niyo makikita sa amin. Kasi meron kaming magagawa at merong mababago sa sarili namin.”

“So, salamat naman po sa Lord kasi nakapagtapos [ako].”

Natapos rin ni Arlene ang kanyang Master’s Degree at bagamat nabuntis ito sa kalagitnaan ng termino ay nagpatuloy pa rin ito sa pag-aaral at pag-alaga ng kanyang anak. Dumating ang sandali ay kinontact si Arlene ng DepEd para sa kanilang programa na IPED at dito napagtanto ni Arlene ang kanyang purpose sa buhay. Ngayon ay nagtuturo si Arlene sa Wawa Elementary School sa Batangas City at isang malaking inspirasyon sa mga katribo nito at sa mamamayang Pilipino.

COMMENTS