Grupo ng bumbay, namahagi ng ayuda imbes na maningil ng utang.

Grupo ng bumbay, namahagi ng ayuda imbes na maningil ng utang.


Kung isa ka sa mga nagmamadaling magtago tuwing dumarating ang mga bumbay, isa lang ang dahilan niyan. Marahil ay ilang beses mo nang naidahilan an

Sirven Garibay, Civil Engineering Topnotcher sa Board Exam pero hate umano ang Math.
Relationship Goals: Magjowa na sabay sumabak sa ipon challenge, hindi inakala ang halaga ng maiipon nila.
Nanalo ng Php4.5 million ang isang Pinay OFW sa Lotto matapos niyang isapalaran ang kanyang huling pera!

Kung isa ka sa mga nagmamadaling magtago tuwing dumarating ang mga bumbay, isa lang ang dahilan niyan.

Marahil ay ilang beses mo nang naidahilan ang ‘pandemya’ sa tuwing sinisingil ka. At para maiba, uubo ka na lang ng pakunwari para lumayo ang naninignil ng utang sayo. Tiyak na hinding-hindi ninyo pagtataguan ang grupo ng bumbay na ito dahil sa halip na maningil ay namigay pa ito ng ayuda.

May be an image of 2 people

Kung noon ay bahay-bahay nilang sinusuyod ang paniningil, ngayon ay bawat bahay ay may ayudang natanggap sa grupo na ito. Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang mangutang sa oras ng kagipitan, subalit sino ba naman ang magaakala na kusang darating ang biyaya sa harap ng bahay mo?

May be an image of 1 person

May be an image of 1 person

Hindi man natin kalahi, ay nagawa ng grupo ng bumbay na ito ang mamigay ng bigas, biskwit at iba pang makakain sa bawat bahay. Makikitaan ng pagmamalasakit at pagmamahal sa kapwa ang mga ito. Ayon sa Facebook post ni Master Epong, ay nais nitong palakpakan at bigyan pagkakakilala ang grupo ng bumbay na dumalaw sa lugar nila.

May be an image of 1 person

“Naks naman! Pasikatin natin itong grupo ng mga bumbay na ‘to.. sa halip na maningil ng mga pautang ay namigay muna sila ng mga relief goods sa mga costumer at ibang kababayan natin na kinakapos dahil sa Lockdown, pinairal muna nila ang pagiging makatao bago negosyo dahil sa krisis na pinagdadaanan natin sa COVID-19.

Good job mga sir! saludo po kami sa inyo! salamat sa pagmamalasakit sa mga pinoy. God bless you! “

May be an image of 1 person

Kasalukuyang umani ng 54k shares ng post na ito na talaga namang ikinatuwa ang kabutihan na ipinamalas ng mga bumbay.

COMMENTS