Nakakabilib na prosthetic masks, pwedeng-pwede ibida sa labas.

Nakakabilib na prosthetic masks, pwedeng-pwede ibida sa labas.


Para sa mga mahilig mangtrip, heto na ang hinahanap ninyo! Bagong taon na subalit heto pa rin ang sakit na tila ayaw na tayong lubayan. Ang mas mal

Doktor sa Pennsylvania, nagsusuot ng Superman costume tuwing nagtuturok ng COVID-19 vaccine.
Nagpadala ang isang Grab Rider ng cake at prutas sa kanyang customer matapos nito mabuhos ang idedeliver na drink.
Ama na nawalan ng trabaho, inulan ng job offers matapos gawin ang bagay na ito.

Para sa mga mahilig mangtrip, heto na ang hinahanap ninyo!

Bagong taon na subalit heto pa rin ang sakit na tila ayaw na tayong lubayan. Ang mas malala, mukhang bumisita na rin sa bansa ang mga kamag-anak nitong sinasabing mas malala pa ang dalang hagupit.

Bagamat idinadaan na lamang sa biro at patawa, hindi pa rin natin dapat kalimutan na mag-ingat at gawin ang health protocols na itinakda ng gobyerno. Patuloy natin isa-isip ng social distancing at umiwas sa mataong lugar. Isa na rin sa hindi dapat kalimutan ay ang inyong mga facemask at faceshield upang mas mapataas ang inyong tsansa na hindi mahawaan ng sakit. At kung usapang facemask, isang Pinoy ay gumawa ng mga nakakabilib at natatangi na prosthetic mask ang tiyak magbibigay saya sa sino mang makasalubong ninyo.

May be an image of 3 people

Credit: Philippine Star / Russell Palma

Singkwenta anyos (50) na si Rene Abelardo mula San Pedro, Laguna ang nagpamalas ng kanyang talento sa pagawa ng prosthetic masks. Makikita ang pagkamalikhain ni Tatay Rene dahil talaga namang realistic at napaka-creative ng paggawa nito ng masks.

May be an image of 3 people and people standing

Credit: Philippine Star / Russell Palma

Tiyak na mapapalayo o mapapatitig ang sino mang makakakita sa inyo habang suot ito. Subalit baka rin hindi thermal gun ang maitutok sa inyo ni manong guard. Gayunpaman, ay talaga namang nakaka-aliw ang mga obra ni tatay Rene.

May be an image of 1 person

Credit: Facebook Page / Hand Crafted Character Mask

Nagsimula si tatay Rene sa paggawa ng isang pirasong mask na magagamit niya sa tuwing lalabas ito ng bahay. Napansin naman nito ang dami ng mga natuwa sa kanyang ginawang mask, at pati ang anak nitong si Marianne ay ibinida ang mask sa facebook nito. Sa di inaasahang pangyayari ay nagviral ang picture ni Marianne na suot-suot ang mask. Marami ang nagtatanong kung ibinebenta ba nila ito at marami ang nagrerequest kaya napagpasyahan ng pamilya na inegosyo ito.

May be an image of 1 person, beard and text that says 'PHILIPPINE STAR RUSSELL PALMA'

Credit: Philippine Star / Russell Palma

Isa sa mga obra nito na talaga namang ikinabilib nila ay nang ginawa nito ang bibig ng pambansang kamao na si ‘Manny Pacquiao’. Marami naman ang nahumaling sa kanyang binebentang facemask na siyang naging tulong sa kanilang pamilya sa gitna ng pandemya. Sa katunayan, si tatay Rene pala ay isa rin sa mga nagtrabaho sa palabas na “Kampanerang Kuba” ni Anne Curtis, “Marina” at “Wansapanataym”.

COMMENTS