Naligtas ng isang lalaki ang kanyang asawa sa pamamagitan ng intercom.

Naligtas ng isang lalaki ang kanyang asawa sa pamamagitan ng intercom.


Tunay na hindi natin malaman ang susunod na pangyayari sa bawat yugto ng buhay natin. May mga peligro man ang dumating ay tinitiyak na lamang natin na

Magkasintahan na nagphotoshoot suot ang kanilang lumang uniporme para sa kanilang 10th year Anniversay!
Delivery man, tinaguriang ‘hero’ matapos masalo ang batang nahulog mula 12th floor.
American boxer admits his inspiration for his career was Pacquiao’s rags-to-riches story

Tunay na hindi natin malaman ang susunod na pangyayari sa bawat yugto ng buhay natin. May mga peligro man ang dumating ay tinitiyak na lamang natin na handa tayong harapin ang mga ito. Ang iba sa atin ay nagi-install ng security device sa bahay o kaya naman ay CCTV. Isa rin ang pagiinstall ng intercom upang makapagcommunicate sa mga mahal natin sa buhay na nasa bahay lamang.

May be an image of outdoors and tree

Gayun na lang din ang pagtulong ng intercom sa isang lalaki na si Aaron Hulse mula Oregon City, USA. Walong milya ang layo nito mula sa kanilang bahay at nang makatanggap ito ng tawag tungkol sa nagsisimulang sunog malapit sa kanyang bahay ay agad itong nabahala. Nasa kanilang bahay ang kanyang asawa na si Sarah, subalit alam nitong tulog ang asawa sa mga oras na iyon.

May be an image of furniture, indoor and text that says 'INSIDE EDITION'

Hindi lingid sa kaalaman ni Aaron na tulog-mantika ang asawang si Sarah. Kaya naman ay nagpasya itong magsisisgaw gamit ang kanilang intercom na nakainstall sa living room ng kanilang bahay. Bagamat pinapakita na maayos ang bahay ay di mawala ang kaba sa puso ni Aaron. Kailangan nitong magising ang asawang natutulog para mabigyang-babala na lumikas dahil sa sunog malapit sa kanilang bahay.

May be an image of 2 people and text that says 'INSIDE EDITION'

Kabado man, ay hindi ito tumigil sa pagsisigaw. Patuloy pa rin nitong sinisigaw ang pangalan ni Sarah para magising ito. Sa kalaunan ay nagising ang asawa at nakalikas sa tamang oras. Mula sa interview ng insideedition, hindi alam ni Aaron kung gaano ka lakas ang kanilang intercom dahil bagong bili lamang nito, subalit kinailangan nitong masiguro na magising niya ang kanyang asawa. Agad naman rumesponde ang mga kinauukulan at napatay ang sunog bago pa man ito naka-abot sa kanilang bahay.

COMMENTS