Sadyang may mga desisyon tayo na kakaharapin sa ating buhay na huhugot sa iyong pagkatao. Tiyak na hindi ito magiging madali subalit ito ang magdadala
Sadyang may mga desisyon tayo na kakaharapin sa ating buhay na huhugot sa iyong pagkatao. Tiyak na hindi ito magiging madali subalit ito ang magdadala sa atin sa tamang landas. Tulad na lamang ni Lyca Gairanod na bata pa lamang ay nagawa nang umako ng napakalaking responsibilidad para sa pamilya.
View this post on Instagram
Maagang namulat sa hirap ng buhay si Lyca, at isa ito sa mga pruweba na talagang natutupad ang ating mga pangarap basta’t sasamahan ito ng pagsisikap. Minsan nang naranasan ni Lyca na tumira sa kalsada at mangalakal para mayroon silang pagkain sa isang araw. Subalit hindi ito nagpatalo sa problema at kalungkutan. Sa halip, ay sinikap nitong mabago ang kanyang kapalaran.
Nang nagkaroon ito ng pagkakataon na sumali sa singing competition na “The Voice” ay hindi na nito pinakawalan pa ang magandang kapalaran na kanyang natamasa. Kalaunan ay tinanghal ito bilang champion at nakatanggap ng premyo tulad ng house and lot na nakapangalan sa kaniya. Subalit sa panayam sa kaniya ni Karen Davila ay inamin nito na binenta na niya ang napanalunang bahay.
View this post on Instagram
Pagbabahagi ng 16-year old singer, bumili ito ng bagong bahay malapit sa kanilang dating tinitirahan sa Tanza, Cavite. Ang naging dahilan ng desisyon niyang ito ay ang pinakamamahal niyang lola. Mas pinili kase ng kanyang lola na manatili sa dating tinitirahan kaysa sa tumira sa bagong bahay ni Lyca. Saad ng dalaga, “Marami rin pong memories sa napanalunang bahay. Pero para kay lola, gusto niya kami makasama kaso malayo po kami. Dinala namin siya doon pero umuwi. Ayaw niya po talaga doon.”
View this post on Instagram
Dagdag pa nito na hindi umano sila nasanay sa katahimikan ng lugar ng bagong bahay, kaya naman ay bumalik sila sa lugar malapit sa dati nilang tagpi-tagping bahay. Doon ay binili nila ang inuupahang bahay para na rin makapiling ang kanyang lola. Sa ngayon ay abala si Lyca sa kanyang YouTube Channel na umani ng 1 Million subscribers at patuloy sa pagbabahagi ng kwento ng kanyang buhay sa mga manonood.
COMMENTS