Ito pala ang dahilan kung bakit naka Wedding attire sila Vice Ganda at Ion Perez

Ito pala ang dahilan kung bakit naka Wedding attire sila Vice Ganda at Ion Perez


Perez na nga ba si Vice? Sunod-sunod ang celebrity weddings na nangyayari at isa na nga kaya ang magkasintahan na sina Ion Perez at Vice Ganda?

Ion Perez, inilantad ang ginamit nito upang mapa-ibig si Vice Ganda. “May ano yun, may agimat.”
Vice Ganda, proud sa dalawang kasambahay na pinag-arali nito dahil nakapagtapos na ito sa pagaaral.
Kilalang celebrity na may nakakainspire na kwento ng buhay na talaga namang aantig sa inyong mga puso.

Perez na nga ba si Vice?

Sunod-sunod ang celebrity weddings na nangyayari at isa na nga kaya ang magkasintahan na sina Ion Perez at Vice Ganda?

Kamakailan lamang ay nagpost ang Showtime host na si Ion Perez sa kanyang Instagram account nang picture na naka-wedding attire sila ng kanyang kasintahan na si Vice Ganda. Tila hawak-hawak ni Ion ang kamay ni Vice at parehong makikita sa kanilang mga mukha ang walang kapantay na saya. Marami naman sa mga fans nito ang kilig sa recent post ni Ion, at nagbigay suporta sa dalawa. Marami ang nag dududa na ito’y patikim pa lamang sa kanilang future plans.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ion Valdez (@pereziion27)

Simple lamang ang caption na iniwan ni Ion Perez sa kanyang post na, “What if?” Marami sa mga fans nito ang nagiisip na maaaring handa na ang dalawa sa next level ng kanilang relasyon. Higit dalawang taon na rin nang inanunsyo ni Vice Ganda ang kanilang relasyon. Makikita sa post ng dalawa ang masasaya at sweet moments nila. Dito ay inamin din ng unkabogable star, na iniwan na nito ang mga bisyo nang para kay Ion. “Dati di ba, rampa ako nang rampa. Gabi-gabi nga rampa ako nang rampa, so tinalikuran ko ‘yon, pati paninigarilyo ko tinalikuran ko, pag-inom, hindi na rin ako umiinom…Si Ion lang sapat na, totoo ‘yon,” saad ni Vice.

Bagamat edited lang ang picture na pinost ni Ion mula sa dating post ni Vice, ay marami pa rin sa fans nito ang gustong magkatotoo ito. Dumagdag pa sa pagdududa ng mga fans ang mga comment ng kapwa showtime hosts nito. Tulad na lamang ng post ni Jhong Hilario na clicking glass emoji [cheers!] at nagiwan naman ng maraming wine bottle emoji si Ryan Bang. Nagcomment naman si Jug Jugueta ng, “Hanep!” na siya pa lalong nagpaexcite sa mga fans.

COMMENTS