Kiko Estrada, hindi umano pinagsabay sina Devon at Heaven.

Kiko Estrada, hindi umano pinagsabay sina Devon at Heaven.


Naging maugong sa social media ang naging hiwalayan ni Devon Seron at Kiko Estrada. Hindi lingid sa karamihan ang naging relasyon ng dalawa na kanila

Customer na dinepensahan ang isang stay-at-home Dad, nagpahayag ng importanteng mensahe para sa mga anak na babae.
Kilalanin ang beauty queen girlfriend ng sikat na vlogger na si Ranz Kyle
22-year old na dalagita, isa nang milyonarya dahil sa pag o-online selling!

Naging maugong sa social media ang naging hiwalayan ni Devon Seron at Kiko Estrada. Hindi lingid sa karamihan ang naging relasyon ng dalawa na kanila namang sina publiko. Kaya madami din ang nalungkot dahil sa naging katapusan ng relasyon ng dalawa.

Sa Kabila ng hiwalayan ng dalawa ay pareho nilang piniling manahimik na lamang. Umabot sa mahigit dalawang taon ang relasyon ng dalawa ngunit nito ngang Pebrero araw ng mga puso ay naghiwalay at natapos na ang kanilang relasyon.

Ngunit naging maingay sa social media ang pangalan ni Kiko Estrada ng kamakailan lang ay inamin niya ang relasyon nila ni Heaven Paralejo. Ganun din ang dalaga na nagpost pa ng mga larawan nila kasama ang binata.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heaven Peralejo (@heavenperalejo)

Kaniya kaniya ngang komento ang mga netizen sa hiwalayang ito nila devon at Kiko. Madami ang nambash sa bagong karelasyon nitong si Heaven.

Sa bagong Vlog ni Ogie Diaz ay nabuksan nga ni Ogie ang usaping ito tungkol sa hiwalayan ng dalawa na napapabalitang pinagsabay ni kiko si Devon at Heaven. Sa interview na ito ay nakapaglabas ng saloobin ang binata. Diretsyo niyang sinabi na walang overlapping na nangyari sakanila. At hindi din third party si Heaven.

Sinabi din ng binata na Pebrero 2021 nung maghiwalay sil ni Devon at Mayo 2021 naging sila ni Heaven hindi nga din daw niya lubos maisip na magkakaroon ng relasyon dito.

Labis daw nasasaktan si Kiko sa tuwing nakikita na malungkot ang kasintahan dahil sa pambabash ng mga tao. Kaya hindi niya din lubos akalain na aabot siya sa puntong magpapaliwanag sa totoong nangyari.

Hindi daw kailanman naging dahilan si Heaven ng hiwalayan nila ni Devon hiwalay na umano sila nung huli bago sila naging closed ni Heaven at nagkapalagayan ng loob.

Dahil din sa mga masamang komento mula sa netizen ay napilitan si Kiko na iwasan muna ang pagso social media. Ngunit sa huli ay hindi padin niya magawang hindi ipagtanggol ang nobya laban sa mga bashers.

Naging daan nga ang vlog na ito ni Ogie Diaz upang maparating ng batang aktor ang kaniyang saloobin sa mga netizen na patuloy silang binabash dahil sa kaniyang bagong karelasyon.

Hiling lang ng binata na tigilan na ito at tama na dahil wala naman umanong

kinalaman ang kaniyang bagong nobya sa hiwalayan nila ng kaniyang nakaraan.

COMMENTS