Pagbabalik-tanaw sa kauna-unahang Igorot sa Philippine Showbiz

Pagbabalik-tanaw sa kauna-unahang Igorot sa Philippine Showbiz


Bilang isang Pilipino ay dapat maging proud tayo sa ating pinagmulan. Katulad nalang ni Mark Angelo Cadaweng Cielo o mas kilala sa pangalang Marky Cie

Lyca Gairanod, ibinahagi ang dahilan sa pagbenta nito sa napanalunang house and lot prize sa “The Voice Kids”.
Karla Estrada, masayang ibinahagi ang pagbubukas nila ng sariling branch ng KFC sa Tacbloban City kasama ang kanyang anak na si Daniel Padilla.
“Oh sh*t. Ang sarap..” Good vibes na hinarap ni Kakai Bautista ang pagpapa-second dose nito ng bakuna.

Bilang isang Pilipino ay dapat maging proud tayo sa ating pinagmulan. Katulad nalang ni Mark Angelo Cadaweng Cielo o mas kilala sa pangalang Marky Cielo. Si Marky Cielo ay isang tubong Igorot. Siya nga ang kauna unahang Filipino Actor at Dancer na pumasok sa Showbiz na proud sa kaniyang pinagmulan.

Si Marky Cielo ay ipinanganak noong May 12 sa Butuan, Caraga Region kung saan doon nadin siya lumaki at nagkaisip kasama ang kaniyang pamilya.

Taong 2021 ng mapagdesisyunan ng kanilang pamilya na lumipat at doon na manirahan sa Mountain province upang makasama din ang iba pa nilang kamag anak. Ganun paman si Marky ay hindi kinahiya ang kaniyang pinagmulan bagkus ipinagmamalaki pa niya ito. Lalo nat mahusay siya sa pagsasalita ng kankanaey dialekong gamit sa Cordillera Region. Hindi lang yun mahusay din si Marky sa wikang English, Ilocano, Tagalog at Visaya katulad ng Butuanon at Cebuano.

Bago sumali ng Starstruck si Marky Cielo ay isa lamang din siyang simpleng studyante sa kolehiyo ng Saint Louis University sa Baguio City. Siya ay kumukuha ng kursong bachelor of architecture.

Isa sa mga nagkumbinsi kay Marky na sumali sa reality show na ito ay ang kaniyang mga kaibigan at kaklase. Kinalaunan nga ay nakapasok si Marky sa Starstruck at tinanghal na Ultimate Male Survivor at Sole Survivor Batch 3 (2005).

Matapos matanghal ang pagkapanalo ni Marky Cielo sa nasabing show napagdesisyunan nilang lumipat na sa Antipolo kung saan nandoon ang napanaluhan niyang bahay.

Matapos ang pagtanghal sa kaniya bilang Ultimate Male Survivor ay nagsunod sunod na ang paglabas ni Marky sa ibat ibang proyekto.

Minsan nang natanghal ang buhay niya sa Magpakailanman kung saan ikinuwento doon ang buhay ni Marky. Maliit pa lamang siya ng maghiwalay ang kaniyang mga magulang at tanging ina nalang niya ang nagtaguyod sakanila.

Ilan sa mga naging proyekto ni Marky Cielo ay ang Encantandia, Asian treasure “Zaido: Polis Pangkalawakan” at siya rin ang napiling protagonist ng Philippine Remake ng UCHUU KEIJI SHAIDER.

Ngunit naging malungkot ang lahat sa biglang pagkamatay ng binata. Natagpuan siyang wala nang malay ng kaniyang ina sa kaniyang silid noong December 07, 2008. Gabi daw bago siya mamatay ay naglaro pa ito ng video games sa isang internet Cafe.

Napag alaman din na madaming beses na hindi sinasagot ni Marky ang tawag sakaniya ng kaniyang manager/ mentor. Nakuwento pa nga ng ina ng binata na minsang umuwi si Marky sa bahay nila ay nagbukas ito ng problema sakaniya at sinabihan niya daw itong “Lutasin ito sapagkat siya lang bukod tangi ang makakalutas nito.”

Hanggang ngayon ay palaisipan padin ang tunay na dahilan ng pagkamatay ni Marky. May ilan na nagsasabi na nagpakamatay at mayroon din namang nagsabi na dahil sa pananakot ng anak ni Chavit Singson na si Ronald dahil sa pagiging malapit nito kay Lovi poe.

Ngunit sa kabila ng mga spekulasyon na ito ay hindi na ito masyadong pinaglaanan ng pansin ng mga pulisya dahil sa takot din na baka sila ay balikan ni Chavit Singson.

Inilibing si Marky Cielo noong December 15 sa Bauko mountain province alinsunod sa kanilang tradisyon siya ay inilibing sa kanilang bakuran.

Sa sandaling pamamalagi ni Marky Cielo sa Showbiz ay marami siyang pinahangang tao dahil sa kaniyang pagiging totoo. Marami siyang nainspired na tao dahil sa kaniyang talento. Kaya napakadaming umiidolo sa kaniya mula noon hanggang ngayon.

 

COMMENTS