Kilalanin ang mga Pinay Celebrities na napabilang sa international film/shows.

Kilalanin ang mga Pinay Celebrities na napabilang sa international film/shows.


Nakakabilib talaga ang talento ng mga Pinoy, mula sa mga singing competition finalists, Pinay international models at pati na rin sa creative craftsma

Museleo ng dating komedyanteng si Mahal, nagkakahalaga pala ito ng Php4.1 million.
Kilalanin ang Anak ng dating Pba star na isa nang ganap na Pinay Basketball player.
Coco Martin, pinasilip ang kanyang napakayabong na vegetable garden na kanyang kinahiligang gawin sa tuwing wala siyang taping.

Nakakabilib talaga ang talento ng mga Pinoy, mula sa mga singing competition finalists, Pinay international models at pati na rin sa creative craftsmanship ay hindi nagpapakabog ang mga Pinoy. Kabilang na din dito ang nga iniidolo nating celebrities na nakatanggap ng acting projects abroad.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)

Heart Evangelista

Noong 2019 ay nakabilang sa isang Hollywood action film si Heart na isinagawa sa China. Ayon rito ay tapos na ang shooting at naka set irelease ngayong 2021. Di naman nagtagal ay nagpost si Heart sa instagram account nito ng pictures kasama ang cast ng Netflix’s ‘Bling Empire’ na sina Kane Lim at Kevin kwan, na nagpakita ng speculasyon na maaring kasama si Heart sa Season 2 ng palabas.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Glaiza De Castro (@glaizaredux)

Glaiza De Castro

Dalawang international film ang nakaset na proyekto ni Glaiza De Castro. Ang isa ay obra ng Canadian Film Society at mayroong Fil-Canadian na filmmaker. Samantalang, mayroon din itong project na gaganapin sa Korea at makakasama nya dito ang ilang Korean actors and actresses.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bianca Umali (@bianxa)

Bianca Umali

Nakuha ni Bianca Umali ang lead role bilang si ‘Alex’ sa palabas ng HBO Asia na ‘Halfworlds’. Si Alex ay isang half-human at half-engkanto na naghahanap ng cure sa para sa mga engkanto. Dito ay nakasama nito ang Filipino filmmaker na si Mikhail Red.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lovi Poe (@lovipoe)

Lovi Poe

Makakasama naman ni Lovi Poe ang ilan sa mga bibigating artista sa Hollywood para sa film na “The Chelsea Cowboy”. Si Lovi ay gaganap na si Dana Gillespie na isang British Blue Singer na magiging daan para sa protagonist na makilala si Princess Margaret. Ang kwento ay hango sa buhay ng actor at gangster na si John Bindon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Iza Calzado Wintle (@missizacalzado)

Iza Calzado

Naging parte ng American horror film na ‘The Echo’ si Iza Calzado na ipinalabas noong 2008. Dito ay ginampanan nya ang role bilang battered wife ni Walter na ginampanan naman ni Kevin Durand.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)

Anne Curtis

Bumida naman si Anne Curtis sa American horror-slash-indie film na Blood Ransom noong 2014. Dito ay gumanap si Anne bilang isang bampira na kinailangan ang tulong ng protagonist na si Alexander Dreymon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino)

Kris Aquino

All Asian ang cast ng pelikula na Crazy Rich Asians na pinalabas noong 2018, at si Kris Aquino ang Pinay actress na kinuha bilang si Princess Intan na part ng Malay Royalty.

Ilan pa sa mga aktres na na feature sa foreign films o shows ay si Gloria Diaz na naging parte ng Netflix series na ‘Insatiable’ at si AC Bonifacio bilang parte ng Netflix series na ‘Riverdale’.

 

COMMENTS