Mala-Snow White ang kwento ng isang Pinay na nakatanggap ng proposal sa kanyang foreigner boyfriend matapos magising sa coma.

Mala-Snow White ang kwento ng isang Pinay na nakatanggap ng proposal sa kanyang foreigner boyfriend matapos magising sa coma.


Dumarating sa ating buhay ang mga sandali na nakikita natin ng malinaw ang desisyon na dapat gawin. Minsan ay tinatawag na tadhana ngunit sa huli ang

Airport Guard who could not even afford lunch, returns half a million worth of cash found
Mapagmahal na anak, Kiray Celis, pinahanga ang netizens sa ibinigay na Valentine’s gift sa magulang.
Kilalanin ang proud Pinay na nakapagtapos bilang Magna Cum Laude sa University of Houston.

Dumarating sa ating buhay ang mga sandali na nakikita natin ng malinaw ang desisyon na dapat gawin. Minsan ay tinatawag na tadhana ngunit sa huli ang kaligayahan naman natin ang nakataya.

Tulad na lamang ng mala-fairytale na kwento ni Viktoria Angela Cupay, na naibahagi sa “Brigada” ni Kara David. Dito ay ibinahagi ni Viktoria na ilang taon na rin palang may iniindang karamdaman ito na siya namang ngayong humantong sa diagnosis na Autoimmune Disease na Lupus noong 2011. Ito ay isang kondisyon kung saan ang immune system mismo ng tao ang umaatake sa sarili nitong tissue at organs.

Sunod naman siyang na diagnose ng Stevens-Johnson Syndrome dahil sa mga medication na ininom nito para labanan ang Lupus, lingid sa kaalaman nito ay ito na ang magiging sanhi ng pagka-comatose ng dalaga sa mga buwan na nagdaan. Ayon sa ina ni Viktoria, na si Greta Cupay, “Itinakbo ko siya sa ER (emergency room) dahil masakit yung dibdib niya, di siya makahinga, chest pain, joint pains. Tapos meron na siyang rashes, parang butterfly rash na tinatawag. Tapos mataas ang lagnat.”

Pagkukuwento ng Greta, “Lahat ng balat sa mukha niya, natanggal, sa kamay, sa paa, sa likod, sa dibdib, sa mga braso niya. Hindi nila ma-pinpoint kung ano talaga ang dahilan. Pero malamang yung gamot na ibinigay, isang factor din iyon, yung antibiotic, or dahil din do’n sa lupus niya.” Dagdag pa nito, “Hindi ko na mabilang kung ilang ulit siyang ni-revive.”

May be an image of 4 people, people standing and text that says 'Courtesy: Viktoria Cupay'

Sa mga panahong iyon ay hindi iniwan si Viktoria ng kanyang pamilya pati na rin ang boyfriend nitong si Nick William Baldo. Sa kabila ng pagsubok na kinaharap ni Viktoria ay nanatili si Nick sa kanyang tabi. Sa katunayan, ay araw-araw pa nito umanong kinakausap si Viktoria upang magbigay lakas kahit na comatose ito. Dito ay napagtanto ni Nick na hindi niya kayang mawala ang dalaga at nagpasya na magpropose dito sa sandaling magising ito noong August 2019.

May be an image of 2 people

Aniya ni Nick, “I wanted you to know that I’ll be here for you forever, and as long as we both live, I will be there for you. And so, have this ring with me, I would like give it to you today. Victoria Angela Cupay, will you marry me?” Hindi naman nagatubili ang dalaga ay ibinigay nito ang matamis na, “Yes”.

Hindi masukat ang tuwa ni Viktoria nang matanggap ang proposal ni Nick. Ayon pa sa dalaga, I was honored because when I was at my worst, Nick chose to see the best in me

 

COMMENTS