Albert Martinez, single at ready to mingle! Mahanap na nga kaya nito ang kanyang ‘forever’?

Albert Martinez, single at ready to mingle! Mahanap na nga kaya nito ang kanyang ‘forever’?


Malaking katanungan din sa ilan kung bakit ang mga artista na nasa edad 60 anyos na ay mukha pading bata. Nakaka intriga nga naman kung ano talaga ang

Donnalyn, nagtrending dahil sa Filipino version nito ng, ‘Squid Game’.
Jennylyn Mercado masayang ibinahagi ang kanyang biglaang panganganak, certified mommy na ang aktres!
Kilig story ni JC Santos at ng babaeng nagpatibok ng kanyang puso kahit binasted ito noong highschool.

Malaking katanungan din sa ilan kung bakit ang mga artista na nasa edad 60 anyos na ay mukha pading bata. Nakaka intriga nga naman kung ano talaga ang kanilang sekreto pagdating sa pagpapabata.

Tulad nalang ni Albert Martinez na sa edad na 60 anyos ay looking young padin. Nagdiwang nga ng kaniyang 60 na kaarawan si Albert Martinez nitong April 19. At sa bagong yugto ng buhay niyang ito bilang isang ganap na senior citizens ay handa na umano si Albert na harapin ito.

Matatandaan na isa ang kagwapuhan ni Albert Martinez sa kinakikiligan noong 80’s ng maraming kababaihan. Ngayon nga ay 40 years na si Albert sa mundo ng showbiz ngunit patuloy parin ito at aktibo padin sa paggawa ng mga serye.

At dahil nga senior na may mga bagay daw na hindi na kayang gawin ngayon ni Albert katulad ng pagbibisekleta mula Quezon hanggang laguna.

Ika pa niya hindi nadin umano niya kailangang mangolekta pa ng mga gamit katulad ng kaniyang mga koleksyon na 22 classic na kotse na sinimulan niyang kolektahin taong 1995 ganun din ang mga mamahaling relo at sapatos sapagkat hindi na naman daw niya magagamit lahat ito.

Sa panayam kay Albert Martinez ni Pia Arcangel sa Tunay na Buhay ay napagalaman na anim na taon na palang byudo si Albert. Namatay ang kaniyang asawang si Liezl noong 2015 dahil sa sakit na kanser.

Ang kanilang masayang pagsasama ay nabiyayaan ng tatlong anak sila ay sina Alyanna, Alissa at Alfonso. Ang dalawa niyang anak na babae ay nakabase na sa America at ang anak niyang lalaki ang siya na lamang kasa- kasama niya madalas sa bahay.

Dahil nga magisa nalang sa buhay ay napagdesisyunan ni Albert na manirahan daw sa isang condo ngunit hindi din daw siya nagtagal dito sapagkat hindi na niya nai enjoy kaya bumalik din daw siya sa bahay sa Q.C.

Namimiss din umano ni Albert ang kaniyang asawa ang kanilang pagpunta sa ibat ibang lugar sa loob at labas ng bansa. Pati nadin daw ang pag aasikaso nito sakaniya lalo na pag may taping siya.

Sa panayam na iyon ay natanong ni Pia kung handa pa ba daw si Albert umibig pang muli?

At ito ang naging kasagutan ng aktor, “I’m not look𝔦ng but if somebody comes along and makes my he𝔞rt be𝔞t again, maybe. Mah𝔦rap sabihin ayoko na, I’m not cl𝔬sing my door. But as of now, I’m enjoy𝔦ng the company of my grandch𝔦ldren. They are my l𝔦fe now, my happ𝔦ness.”

 

COMMENTS