Dating Flight Attendant, bumuo ng Food Stall gamit ang pampasaherong jeepney.

Dating Flight Attendant, bumuo ng Food Stall gamit ang pampasaherong jeepney.


Kabilib-bilib ang diskarteng ginawa ng dating flight attendant na si Angel Luck Pedro upang kumita ngayong panahon ng pandemya. Tubong Ilocos Norte ay

Teacher na Aeta, isang inspirasyong matapos maipasa ang LET sa ika 25 na beses na pagkuha nito. Ginawan din ng pelikula ang kwento niya!
Tricycle driver noon, negosyante na ngayon! Alamin dito ang nakakahanga na kwento ng mag-asawang nakamit ang tagumpay sa pagbebenta ng ‘fried chicken’.
Kilalanin ang inspiring Pinay na nagpursige mai-ahon ang pamilya sa kahirapan.

Kabilib-bilib ang diskarteng ginawa ng dating flight attendant na si Angel Luck Pedro upang kumita ngayong panahon ng pandemya. Tubong Ilocos Norte ay naisipan ni Angel nag awing Food Stall ang isang pampasaherong jeep.

 

Agaw pansin naman sa mga kabahayan at residente ang itim nitong ‘Eggluck’ Food Stall-Jeepney na nagbebenta ng Korean Egg Sandwiches. Sa katunayan ay ito umano ang paboritong pagkain ng may-ari na si Angel, 29.

Former flight attendant of Qatar Airways found her luck with Eggluck

Naging madali para kay Angel ang umikot sa kanilang lugar upang magbenta ng Korean Egg Sandwiches dahil sa isang Jeepney ang mobile food stall nito. Ibinahagi ni Angel na Food truck ang unang plano nito subalit dahil sa mahal ang maintenance ng isang truck ay tinulungan siya ng kanyang pinsan na jeepney na lamang ang gagamitin para sa kanyang pangarap na food stall.

Pampasaherong jeep, ginawang food stall ng flight attendant sa Ilocos Norte 1

Sa Panayam ng ABS-CBN kay Angel, “Suggestion ng cousin ko na nagtratrabaho sa ticketing sector ng lungsod para sa mga pampasaherong jeep na bumili ako ng jeep at iyon ang gagamitin kong food truck, dahil nga madami na nga daw nakaparada na jeep ngayon kasi nga po pandemya ay hindi na namamasada.”

 

Umabot umano ng P120,000 ang pagpapagawa nito sa kanyang jeepney food stall. Determinado naman si Angel na magakaroon ng sariling negosyo na kakaiba upang may mapagkakitaan ngayong panahon ng pandemya. Isa kasi ang airline industry sa naapektuhan ng pandemya kaya naman ay nawalan ng trabaho si Angel. Subalit patuloy ito sa kanyang pagsisikap upang maitaguyod ang pamilya. Para dito ay kailangan maging masipag, madiskarte at determinado upang malampasan ang kahit anong hadlang na maabot ang kanyang mga pangarap.

 

Isa lamang si Angel sa mga kababayan natin na patuloy sa pagabot ng kanilang mga pangarap kahit na humarap ito sa iba’t-ibang pagsubok. Importante na hindi tayo sumuko kahit na napakalaki ng hadlang na ating matatagpuan. Sa sandali na malampasan natin ang mga ito ay mas lalo tayong magtutumibay upang maging matagumpay sa buhay.

 

 

COMMENTS