Bonggang 67th birthday party ng isang ina, isang Milyon ang natanggap na regalo.

Bonggang 67th birthday party ng isang ina, isang Milyon ang natanggap na regalo.


Tampok sa KMJS ang bonggang 67th birthday party ng isang ina. Napagpasyahan ng netizen na si Lou na sorpresahin ang kanyang ina ng isang hindi makakal

Babaeng binansagan bilang “ The ugly fat girl” Ginulat ang mga Nambully sakanyang Transpormasyon.
Ina na proud nakapagtapos sa kabila ng pagsubok na kinaharap, nagsilbing inspirasyon.
Filipino Chef with No Hands, Maricel Apatan, earns praise and awe for her perseverance in reaching her dreams.

Tampok sa KMJS ang bonggang 67th birthday party ng isang ina. Napagpasyahan ng netizen na si Lou na sorpresahin ang kanyang ina ng isang hindi makakalimutang birthday party. Habang ang ina naman nitong si Aling Lolita ay walang ka malay-malay na reregaluhan pala siya ng kanyang anak ng 1 million pesos at house and lot.

May be an image of 1 person

Ibinahagi ni Lou sa Facebook ang video ng birthday party ng kanyang ina. Makikita sa video na nagsimula ito sa isang game show na mala-Pera o Bayong. Sa mechanics kase ng game, ay pinapapili si Aling Lolita kung kukunin na ba nito ang P100,000 na pinapaypay sa harap niya o ang sumilip sa kuwarto. Bagamat walang ideya si Aling Lolita kung ano ang nasa kuwarto, ay pinili nito iyon dahil sa sinabi ng anak niya, “Ma, magtiwala ka sa akin.”

Pagdating ni Aling Lolita sa kuwarto ay bumungad sa kanya ang maraming P1000 peso bills na nakalatag sa kama. Ayon sa ginang, “Pagdating ko sa kwarto, hindi ko inaasahan na nakalatag doon ang pera sa kama. Ngayon pa talaga ako nakahawak ng pera na one million.”

May be an image of balloon and indoor

Bagamat abot langit na ang saya ay may pahabol pa na surpresa ang anak nito sa kanya, “Ma there’s more! House and Lot!” Dito na ipinakita ni Lou ang blueprint ng bahay na ipinapagawa nito para sa ina. Pagbabahagi ni Aling Lolita sa KMJS, “Para akong binigyan ni Willie Revillame ng pera, house and lot, at nanalo ako ng one million. Para akong nanalo sa lotto.”

Bago pa man ang pasabog na ito, naibahagi ni Aling Lolita ang hirap ng kanilang buhay. Hindi laki sa yaman si Aling Lolita at tunay na sinisikap itaguyod ang siyam na anak. Ayon sa ginang, “Ang aking gabi ginagawa kong araw dahil sa aming kahirapan. Biruin mo, siyam sila.”

“Ako ang tunay na nagsumikap para makapag-eskuwela sila,” dagdag pa nito. Sa puntong ito ay maluha-luha narin si Lou nang inaalala ang kahirapan nila noon.

Pagbabalik tanaw ni Lou, “Minsan po ang ulam naming is yung suka, ‘tapos nilagyan ng asin, ‘tsaka yung sibuyas na dahon. Sa school naman po, yung baunan namin is yung dahon ng saging, nilagyan po naming ng ginamos.”

May be an image of 2 people

Subalit kita pa rin ni Lou ang pagsisikap ng ina, “Walang katumbas po ang mga sacrifices niya para sa aming magkakapatid.” Sinabayan rin ni Lou ng diskarte ang pamumuhay nila noon, “Lahat po ng bagay binebenta ko po. Ang tawag ng propesor sa akin, the walking sari-sari store. Ayoko po balikan yung mga pagkakataon na walang-wala talaga kaming makain. Sobrang hirap po ng buhay namin.”

Maraming pangarap si Lou para sa kanyang ina at isa na nga doon ang gawing instant millionaire ito. Ilang taon din nito pinagsikapan na maisakatuparan ang mga pangarap nito para sa pamilya.

 

 

 

COMMENTS