Estudyante mula Leyte, nakamit ang 20 Million pesos worth na premyo mula sa International Science Competition

Estudyante mula Leyte, nakamit ang 20 Million pesos worth na premyo mula sa International Science Competition


Isang nakakabilib na estudyante mula Tacloban, Leyte, ang nanalo sa 2017 Breakthrough Junior Challenge. Maliban sa nakapaguwi ito ng karangalan at nak

Doktor, pinasakay ang isang matandang naglalakad mula pampanga hanggang Quezon.
Barista received $100,000 (P5Million), after being posted online by a customer who won’t wear a face mask.
Pilit na tinapos ng isang binata ang kanyang module sa tabi ng drive-thru sa isang fastfood chain.

Isang nakakabilib na estudyante mula Tacloban, Leyte, ang nanalo sa 2017 Breakthrough Junior Challenge. Maliban sa nakapaguwi ito ng karangalan at nakamit din nito ang 20 Million pesos worth na premyo mula sa nasabing international science competition. Mula sa dami ng mga sumali sa competisyon sa iba’t-ibang bansa ay ang 3-minute video ni Hillary Diane Andales tungkol sa theory of relativity and equivalence of reference frames ang napiling winning entry.

Napahanga kasi ni Hillary ang mga hurado sa competisyon dahil naipaliwanag ng dalaga ang theory of relativity and equivalence of reference frames sa pinaka-madaling paraan. Dahil ditto ay pinagkalooban si Hillary ng $250,000 college scholarship, bagong science laboratory para sa kanyang eskwelahan worth $100,000 at another $50,000 para sa guro na nagsubaybay at bigay inspirasyon kay Hillary. Suma total ay 20 Million ang halaga ng napanalunan ni Hillary. Isang malaking biyaya naman ito para sa Philippine Science Highschool in Eastern Visayas na paaralan ni Hillary dahil malubhang nasira ang eskwelahan noong 2013 sa bagyong Yolanda.

Ibinahagi din ni Hillary ang matinding karanasan nito at ng kanyang pamilya sa bagyong Yolanda. Ayon rito, dahil walang second floor ang kanilang bahay, ay umakyat na lamang ang buong pamilya sa double deck na kama upang makaiwas sa baha na dala ng bagyo. “We had to run up to our double-deck bed kasi we didn’t have a second floor,” saad ni Hillary.

Subalit dahil patuloy ang hagupit ng bagyo ay sinira na lamang ng kanyang ama ang kanilang kisame at doon sumabit sa trusses ng kanilang bubong at inantay na matapos ang bagyo. “My dad punched the ceiling tapos doon na lang kami sa steel trusses of the roof. We held on those steel trusses for 7 hours until the storm surge subsided,” dagdag nito.

Bagamat dumaan sa matinding takot at pagsubok ang kanyang pamilya ay pinili ni Hillary na tumayo at mas pagbutihin ang pagaaral. Nakakabilib na nanalo si Hillary sa isa sa pinakamalaking patimpalak sa siyensya na ginaganap kada taon.

Ibinahagi din ni Hillary na mahalaga para sa kanya ang bawat oras na para ba itong pera. Saad niya, “If I don’t think about my time as money, I spend it mindlessly. Hindi ko siya iniisip na valuable siya when in fact it is a limited resource.” Isa lamang si Hillary sa mga nakakainspire na Pilipino na hindi sumusuko sa kanilang pangarap kahit anong bagyo man ang dumating.

 

COMMENTS