Komedyanteng si Jinky Oda, isa nang security officer ngayon abroad.

Komedyanteng si Jinky Oda, isa nang security officer ngayon abroad.


Tunay na hindi natin masasabi kung saan tayo dadalhin ng kapalaran, lalong lalo na sa mga nagtatrabaho sa showbiz industry. Natatandaan pa ba ninyo an

Filipino Celebrities who became parents at an early age
Kilalanin si Deanna Wong ang star player ng Women’s Volleyball, ang bagong kinakikiligan ng mga kababaihan ngayon!
Robin Padilla, sinabi sa kanyang mga bashers na napakalaki ang problemang kinakaharap ng bansa ngayon kaya wala siyang panahon sa pambabatikos!

Tunay na hindi natin masasabi kung saan tayo dadalhin ng kapalaran, lalong lalo na sa mga nagtatrabaho sa showbiz industry. Natatandaan pa ba ninyo ang kapuso comedian na si Jinky Oda? Isa na siyang security officer sa Amerika at inamin nito na nahohomesick ito.

Ayon sa GMA’s Chika Minute, nahihirapan umano si Jinky Oda na kalabanin ang homesickness sa Amerika. Noong taong 2016 ay sumama ito sa kanyang anak papuntang U.S. at mula noon ay marami nang naging trabaho ang komedyante subalit mas nagustuhan nito ang pagiging security guard.

Ito Na Pala Ang Buhay Ngayon Ng Dating Sikat Na Komedyante Na Si Jinky Oda  Sa Amerika - Readers Portal

Sa panayam rito ay inamin ni Jinky na kakatapos lamang nito ang pagiging security guard sa isang pagawaan ng sasakyan at inaantay ang sunod nitong raket na pagiging security guard muli sa ibang kompanya. Saad ng aktres, “Wala naman akong criminal record, kaya pasok sa banga ang beauty ko.”

Ipinaliwanag din nito, “This time medyo, ano ito, parang promotion na din kasi I think they’re going to put me in a supervising position.”

Naaalala Niyo Pa Ba Si Jinky Oda, Isa Na Pala Siyang Security Guard Sa San  Francisco, California - Light Feed

Bagamat nasa Northern California ay nakakaramdam umano si Jinky ng homesickness. Ayon rito, “Hindi ko akalain na meron palang homesick. Homesick is real. Kasi nga dito, like ngayon lay off ako ngayon. Three weeks lay off. Kapag wala kang ginagawa, nganga. Mababagot ka kasi wala kang makakausap.”

Nang tanungin naman si Jinky tungkol sa love life nito ay inamin ng komedyante na mayroon nang nagpapatibok ng puso niya. Pagbabahagi nito, “Bale, getting to know. Kasi dito, iba yung style ng relationship nila. It’s so different. Culture shock ako doon actually.”

Dating Komedyante Na Si Jinky Oda Masayang Namumuhay Ngayon Sa Ibang Bansa

Nakilala si Jinky sa ‘Okay ka, Fairy ko!’ at iilan sa mga naging projects niya ay: Vampire ang daddy ko, Daldalita, Utang ng ama, Ambisyosa, Mara Clara: The movie, Ang kuya kong siga, Alabang Girls, at Una kang naging akin.

COMMENTS