‘Badjao Girl’ Rita Gaviola nais umanong sumabak sa Miss Universe Philippines.

‘Badjao Girl’ Rita Gaviola nais umanong sumabak sa Miss Universe Philippines.


Sa patuloy na pagdami ng mga tumatangkilik sa beauty pageants, isa ang Miss Universe Philippines sa inaabangan na event sa Pilipinas. Ang patimpalak n

Aktres na si Toni Gonzaga, tinapunan umano ang isang OJT ng tissue matapos daw itong ipunas sa kanyang kili-kili!
Jessica Villarubin, proud retokada matapos makaranas ng pambu-bully dahil sa kanyang hitsura noon.
Aiko Melendez, tila mas lalong bumata sa itsura nito ngayon.

Sa patuloy na pagdami ng mga tumatangkilik sa beauty pageants, isa ang Miss Universe Philippines sa inaabangan na event sa Pilipinas. Ang patimpalak na ito ang magiging daan upang makapag-padala ng kandidata na magrerepresinta sa Pilipinas sa iba pang kilalang International beauty pageants tulad ng Miss Universe.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rita Gaviola (@itsritagaviola)

Sa panahon ngayon, hindi lamang ganda ang hinahanap upang maging karapat dapat na winner ng MUP, at sa bawat taong dumaan ay mas pinagiigihan ng mga hurado ang kanilang pagpili. Isa sa kilalang kandidata ngayong taon ay si Kisses Delavin na nangunguna rin sa boto dahil pamilyar na ang mga kababayan natin sa kaniya.

Sa isang Instagram post naman ni Badjao Girl, Rita Gaviola, ay nagpahayag ito ng pagsali sa beauty pageant. Nilagyan naman ni Rita ang kanyang post ng caption na, “Soon sasali na tayo sa miss u.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rita Gaviola (@itsritagaviola)

Dinagsa naman ng supporta ang pahayag ni Rita, bagamat hindi malinaw kung nagbibiro lamang ito. Marami sa mga netizens ang excited sa pagsali ni Rita. Sinundan naman ito ni Rita ng isa pang post ang naglagay ng caption na, “Beauty is not flawless it shines even though your flaws, #miss u universe soon.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rita Gaviola (@itsritagaviola)

“SALI KA NA PO SA MIS U NEXT YR PLS,” saad ng isang netizens sa comment section. Sinundan naman ito ng marami pang komento na nagpapakita ng suporta kung magpasyang sumali si Rita sa Miss Universe Philippines. Matatandaan na unang nakilala si Rita noong 2016 at binansagang ‘Badjao Girl’. Noong panahon na iyon ay naglalakad lamang siya kasama ang kanyang kapatid sa Pahiyas Festival upang mamalimos, nang makuhanan siya ng litrato ng isang photographer. Hindi naman pinalipas ni Rita ang bawat pagkakataon na humarap sa kanya, kabilang na ang pagsali nito sa ‘Pinoy Big Brother: Lucky 7’. Dito ay mas lumawak ang konesyon ni Rita at mas nakilala siya ng mga Pilipino.

COMMENTS