Sanya Lopez, kinompronta ng ina kung ano ang naramdaman nang halikan ni Gabby Concepcion.

Sanya Lopez, kinompronta ng ina kung ano ang naramdaman nang halikan ni Gabby Concepcion.


Todo ang kilig-vibes na dulot ng tambalan ni Sanya Lopez at Gabby Concepcion sa kanilang teleserye na ‘First Yaya’. Kapansin-pansin ang chemistry ng d

Kilig story ni JC Santos at ng babaeng nagpatibok ng kanyang puso kahit binasted ito noong highschool.
ABS-CBN LINEUP SHOWS TO BE AIRED THIS YEAR
Camille Prats, ipinasilip na sa kanyang mga fans ang kanilang bagong fully furnished na ipinatayong bahay.

Todo ang kilig-vibes na dulot ng tambalan ni Sanya Lopez at Gabby Concepcion sa kanilang teleserye na ‘First Yaya’. Kapansin-pansin ang chemistry ng dalawa on-screen, kaya naman nang dumating ang kanilang kissing scene ay kilig overload ang nadama ng manonood. Sa katunayan, hindi lang fans ang nakapansin kundi pati ang ina ni Sanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sanya Lopez (@sanyalopez)

Aminado naman si Sanya na matagal na nitong crush ang batikang actor kaya naman tuwang-tuwa ito na nakasama niya ito para sa ‘First Yaya’. Sa panayam kay Sanya sa ‘Mars Pa More’ ng GMA, ay binahagi ng aktres na mas pipiliin nitong pagsilbihan si Gabby dahil sa ipinakita at ipinaramdam na pangangalaga nito nang magpunta ang cast ng ‘First Yaya’ sa rest house ng aktor sa Batangas. Saad ni Sanya, “Siguro kasi nakita ko kung paano niya kami alagaan noong nagpunta kami sa Batangas. So grabe siya, hindi ka niya pababayaan talaga. Every day yata kailangan niyang mamalengke, as in palengke talaga pupuntahan niya tapos ipamimili ka niya tapos ipagluluto ka rin niya.” Ang nasabing rest house ang paboritong puntahan ni Gabby tuwing nais nitong mag-relax at mag unwind.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sanya Lopez (@sanyalopez)

Success naman ang pagtatapos ng ‘First Yaya’ at ang huling episode ay ang kasalan ng karakter ni Sanya at ni Gabby. Perfect ending naman ang kissing scene nila ni Gabby at napanood ito ng ina ni Sanya. Kinuwento naman ni Sanya sa ‘Mars Pa More’, na tinanong siya ng kanyang ina kung ano ang feeling na mahalikan ng batikang aktor. “Ang una niyang tanong sa akin, ‘Kayo na ba?’ Sabi ko ‘Ma? Wait lang ‘Ma!’ Kasi ako dati sobrang crush na crush ko na talaga si Gabby Concepcion. Sabi niya sa akin ‘So ano ang feeling na na-kiss ka ni Gabby?’ Sabi ko ‘Mommy nakakakilig until now,’ sabi kong ganoon sa kaniya,” pagbabahagi ni Sanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sanya Lopez (@sanyalopez)

Bagamat tapos na ang kanilang teleserye ay madalas pa rin nakakapagusap ang dalawa lalo na’t naging magkaibigan sila dahil sa ‘First Yaya’. Ibinahagi din ng aktres na malaki ang respeto at paggalang ni Gabby sa kanyang mga nagiging leading lady.

COMMENTS