Isang karpintero na gumagawa ng kabaong sa Indonesia ang nakapulot ng $1.8 Million o ₱95 Million worth na bato.

Isang karpintero na gumagawa ng kabaong sa Indonesia ang nakapulot ng $1.8 Million o ₱95 Million worth na bato.


Sa kabila ng kahirapan na dulot ng pandemya, isang Indonesian Coffin Maker ang maswerteng nakadampot ng bato na nahulog sa kanyang bubong. Mula Kol

Isang matanda na empleyado ng isang kompanya, kinaantigan ng mga netizens ang pagtitinda nito ng chicharon pagkatapos ng trabaho!
Isang nag-Top 3 sa Licensure Examination for Teacher ngayon ang nagligtas sa kanyang paraalan. Alamin kung bakit!
Ito ang nangyari sa isang birthday celebrant nang pabiro itong isinubsob sa kanyang birthday cake!

Sa kabila ng kahirapan na dulot ng pandemya, isang Indonesian Coffin Maker ang maswerteng nakadampot ng bato na nahulog sa kanyang bubong.

Mula Kolang, North Sumatra, Indonesia si Josua Hutagalung, 33, ay ang pagbuo ng mga kabaong ang tanging hanapbuhay nito. Tahimik umanong nagtatrabaho ito sa kanilang bahay, nang may isang bato na nahulog sa kanilang bubongan. Sa sobrang lakas umano ng pagbagsak nito, ay panandaliang yumanig ang kanilang bahay at bumaon sa lupa ang nahulog na bato. Nang lapitan ni Josua ang bato ay mainit pa ito, at naghinala agad ito na isa itong meteorite. Saad nito sa panayam ng Kompas, “When I lifted it, the stone was still warm and I brought it into the house. The sound was so loud that parts of the house were shaking too. And after I searched, I saw that the tin roof of the house had broken.”

Sa katunayan, ang bato ay isang extremely rare meteorite na hinihinalang 4.5 billion years old. Ito ay nauuri bilang CM1/2 carbonaceous Chondrite at nagkakahalaga nang $1.85 million (P95 Million). Dagdag pa ni Josua, “I strongly suspect that this rock is indeed an object from the sky that many people call a meteorite. Because it is impossible someone deliberately threw it of dropped it from above.”

The meteorite crashed through the tin roof, leaving a large holeThe meteorite landed 15cm deep in the soil below, and was dug out by Josua

Marami rin sa mga kapitbahay nito ang nakarinig sa malakas na tunog nang bumagsak ang bato sa bubongan nila Josua. Matapos ipost ni Josua ang pangyayari sa kanyang Facebook ay agad na dumating ang US meteorite expert na si Jared Collins pa Indonesia upang makita ang rare meteorite. Nilagyan ni Josua ng caption na, “A black rock fell from the sky,” ang kanyang post.

Ayon kay Jared, “I carried as much money as I could muster and went to find Josua, who turned out to be a canny negotiator.” Nang makumpirma ni Jared ang uri ng meteorite ay ipinadala niya ito sa US kung saan binili ito ni Jay Piatek, isang doctor at meteorite collector mula Indianapolis. Binigyan ng pangalan na ‘Kolang’ ang meteorite at may bigat na 2.5kg.

Bagamat milyong dolyar ang halaga ng meteorite ay inamin ni Josua na 200 Million Rupiah ($14,000) lamang ang nakuha nitong kabayaran para sa extremely rare na bato. Sa panayam ng The Star kay Josua, pagkukuwento nito, “I have spent all the 200 million rupiah on helping my family and orphans, and building a church.”

Nasorpresa umano ito nang mabasa sa iba’t-ibang US news outlets na milyong dolyar ang halaga ng bato. Pagdaragdag ni Josua, “If that’s true, I’ve been lied to and I’m disappointed.” Ayon naman sa The Sun, ay nakakuha umano ng 30 years worth na sahod si Josua. Sinubukan umano ng Insider na kuhaan ng pahayag si Jared Collins, subalit hindi ito ng bigay ng komento.

Bagamat pakiramdam nito na nadaya ito, ay may marami naman ang natulungan ni Josua sa kanilang komunidad mula sa perang nakuha nito sa meteorite.

 

Lahat ng impormasyon ay mula sa kani-kanilang sources.

 

 

COMMENTS