Sikat na artista, matagal na palang ikinasal sa non-showbiz partner nito.

Sikat na artista, matagal na palang ikinasal sa non-showbiz partner nito.


Mas madami padin talaga ang pinipili ang mas tahimik at pribadong pamumuhay kaysa doon sa halos lahat ng galaw ay alam ng bawat tao. Isa na diyan s

Awra Briguela pinaaral at napagtapos ang kanyang ama sa kolehiyo.
Isang aktres na halos butot balat na lamang dahil sa paghihiwalay nila ng kaniyang ex-boyfriend.
AGE IS JUST A NUMBER: Mga sikat na mag-asawang artista na nagmamahalan sa kabila ng kanilang malaking age gap.

Mas madami padin talaga ang pinipili ang mas tahimik at pribadong pamumuhay kaysa doon sa halos lahat ng galaw ay alam ng bawat tao.

Isa na diyan si Jc De Vera na mas piniling maging pribado ang ginawang pagpapakasal sa asawa nitong si Rikkah.

Noong March 2021 ay inamin na ng aktor na siya ay kasal na kay Rikkah noong 2018 pa lamang. Ito ay isang Civil wedding lamang na pribado nilang ginanap kasama ang malalapit na pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JC de Vera (@akosijcdeberat)

Si Jc De Vera ay 34 taong gulang na at ang kaniyang napangasawa na si Rikkha Cruz- De Vera ay 26 na taon naman. Nabiyayaan sila ng isang anak na babae na ngayon ay tatlong taong gulang na siya ay si Lana Athena.

Wala ngang nakakaalam sa eksatong petsa ng pagpapakasal ng dalawa. Kung hindi pa nga nagpost si Jc ng larawan ng kanilang kasal ay hindi ito malalaman ng madami.

Sa mga kuhang larawan na pinost ni Jc De Vera ay makikitang magarbo ang naging Church wedding nilang iyon. Isang netizen ang nagcomment sa post at sinabing sa San Antonio De Padua Church sa Silang, Cavite idinaos ng dalawa ang kanilang kasal.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JC de Vera (@akosijcdeberat)

Minsan nading nasabi ni Jc ang magaganap na kasalang ito sa Vlog ni Erich Gonzales. Ika pa niya ay gusto daw talaga nilang makasal din sa simbahan kaya paghahandaan daw umano nila ito. Sinabi niya ring sigurado daw ang kanilang kasal ngayong taon.

Sinabi din ng aktor na mas pinipili niyang maging pribado ang ilang sa mga bagay sa kaniyang buhay upang sa kaligtasan nadin ng kaniyang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JC de Vera (@akosijcdeberat)

Pinipili lang umano niya ang mga bagay na pinopost niya sa social media yung alam niyang tiyak na makaka inspire sa madami. Pero yung gamitin daw niyang plat form ang social media upang mas lalong makilala ay hindi daw niya gagawin.

Bagaman kinasal na ang dalawa sa civil ay pangarap padin nila ang makasal sa simbahan at ngayong taon nga sa wakas ay natupad na ito. Kitang kita sa larawan ang kasiyahan ng dalawa.

 

COMMENTS