Silipin ang mga detalye sa kasal nina Carla Abellana at Tom Rodriguez.

Silipin ang mga detalye sa kasal nina Carla Abellana at Tom Rodriguez.


Marami ang kinilig at nagandahan sa kasalan ng kapuso couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez noong October 23, 2021 sa San Juan Nepomuceno Par

Magandang dilag nahanap ang kanyang ‘the one’ sa lalakeng may dwarfism.
Tuloy ang kasal! Mag-fiance na Doktor, nag prenup sa hospital matapos sirain ng pandemya ang kanilang kasal.
Jessy Mendiola, iniupload na sa vlog nito ang intimate wedding nila ni Luis Manzano.

Marami ang kinilig at nagandahan sa kasalan ng kapuso couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez noong October 23, 2021 sa San Juan Nepomuceno Parish Church sa Batangas.

Ilan sa mga netizens ay nagkomento na damang-dama umano ang sinseridad ng okasyon at ang pagmamahalan ng dalawa. Pitong taong magkarelasyon ang showbiz couple bago sila nagdesisyon na magpakasal sa Spanish-Colonial na simbahan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pat Dy (@patdy11)

Maliban sa ganda ng wedding suit at wedding gown ng couple ay kitang-kita din sa kanilang mga mukha ang mga emosyon nito habang nagsisimula ang seremonyo. Ang umaapaw na pagmamahalan at pangakong pang-habang buhay ay damang-dama rin ng mga guests nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline)

Ang gown ni Carla ay isang Monique Lhuillier creation kung saan ay lumitaw ang pagkamestiza nito. Nakuha naman ng make-up artist nito na si Juan Sarte ang “morning bride” look kung saan ay neutral colors lamang ang ginamit at lumabas ang natural na ganda ng aktress. Hindi ito nagmukhang overcoated, at sa halip ay naturally blooming ang gorgeous bride.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Team Pat Dy (@teampatdy)

Ang groom naman ay dashing as ever, suot-suot nito ang Francis Libiran suit na saktong sakto sa skin color at body build nito. Ayon sa aktor ay nagpapasalamat siya sa kanyang, ‘Avengers Team’ na tumulong sa kanyang magprepare.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Team Pat Dy (@teampatdy)

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Team Pat Dy (@teampatdy)

Ang set-up naman ay pinangunahan ng stylist na si Gideon Hermosa kung saan ay pinuno nga ang sides ng aisle ng green at white flowers na nagbigay ng elegant and dreamy look sa kasal. Mayroon ding lanterns na nakalagay sa bawat gilid na nagbibigay ng grand effect sa paglalakad ng bride papunta sa kanyang groom. Present din ang kanilang pamilya at mga kaibigan sa showbiz tulad nila Grachel Arlene Navarro, Macy Zozobrado, Libay de Guzman, Iya Villania, and Jewel Sunga na tumayong bridesmaids. Sina Billy James Cash, JC Tiuseco, Sid Lucero, Rafael Rosell, at ang long-time assistant nito na si Arnil Derotas naman ang nagsilbing groomsmen. Congratulations Carla Abellana and Tom Rodriguez!

COMMENTS