Heart Evangelista, may magaling na resbak sa basher na nang-okray sa recent IG photo nito.

Heart Evangelista, may magaling na resbak sa basher na nang-okray sa recent IG photo nito.


Marami nga naman ang naitutulong ng social media sa atin, at lalo na sa mga celebrities na ginagamit ang iba’t-ibang social media platform upang maka-

Kelley Day, nasungkit ang first runner-up at naipanalo ang national costume sa Miss Eco International 2021.
Mariel Padilla, sinagot ang isyung bakit hindi Mama ang tawag sa kanya ng mga anak ni Robin Padilla sa dati nitong asawa.
Emmanuel Pacquiao Jr., nagwagi sa kanyang sa ikalawang boxing fight, tila siya na ang susunod na Boxing Champ Manny Pacquiao!

Marami nga naman ang naitutulong ng social media sa atin, at lalo na sa mga celebrities na ginagamit ang iba’t-ibang social media platform upang maka-connect sa mga fans nila. Subalit sadyang mayroong makukulit na basher na tila matanglawin, na nakikita ang imperfections sa bawat post.

 

Kabilang na dito ang kapuso leading lady na si Heart Evangelista na binulaga ng isang basher sa kanyang recent IG post. Makikita sa post na nakahiga si Heart Evangelista suot-suot ang kanyang floral bikini top at matching floral skirt. Tila relax na relax at kuntento ang aktres, habang katabi ang husband nitong si Chiz Escudero na nakatingin sa malayo. Kitang-kita naman ang underarms ni Heart na bagamat maganda tignan, ay in-okray ng isang basher sa comment section.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)

“Parang lukut-lukut kilikili nio?” comment ng basher na nilagyan pa ng tatlong laughing emojis na tila naiiyak sa kakatawa.

Cool na cool at simpleng sinagot ni Heart ang basher ng, Hi perfect! Habang may dugo ka sa katawan your skin will move, bulge, wrinkle or stretch.

Di naman wax figure unless pa edit ko? Ayoko naman yun. Stay perfect, share naman tips.”

Basag na basag ang basher sa reply ni Heart na siya namang hinangaan ng ibang netizens. Marami sa fans ng aktres ang pinangtanggol ito at bumilib sa nakakatuwang reply ni Heart. Hindi ito ang first time na pumatol si Heart sa mga body shamers na naglitawan sa kanyang social media. Sa katunayan, ay hindi talaga nito pinapalampas ang mga panglalait na nakikita nito sa comment section. Isa na rito ang basher na nagsaad na edited umano ang sexy pic ng aktres. Sumagot naman si Heart ng, “I don’t edit. I work out. I was never hiding just not the type to show so much (smiley) I am dressed a certain way for what I’m doing (smiley).”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)

Minsan na rin nitong nagreply sa isa pang basher ng, “I love my skin tone and I love my body, we don’t need your negativity here.”

Bagamat patuloy na nakakaranas ng ganito ang mga artista, ay alalahanin natin na hindi ito tama.

 

Kudos sayo Heart Evangelista!

COMMENTS