‘Hidilyn Diaz’ costume ng anak nina Anne at Erwan Heussaff na si Dahlia, bentang-benta sa netizens!

‘Hidilyn Diaz’ costume ng anak nina Anne at Erwan Heussaff na si Dahlia, bentang-benta sa netizens!


Ngayong Halloween ay hindi nagpalampas ang mga celebrity babies na magpakitang gilas sa kani-kanilang Halloween costumes. Marami sa kanila ay cartoon

Inspiring na mga artista na hindi lumaki sa kanilang biological family at mapalad na magkaroon ng mapagmahal na pamilya.
Catriona Gray admits, “I’m very lambing” with boyfriend, Sam Milby.
ALAMIN: “Be kind to her”, Lolit Solis umiyak sa sulat na kanyang natanggap mula kay Kris Aquino!

Ngayong Halloween ay hindi nagpalampas ang mga celebrity babies na magpakitang gilas sa kani-kanilang Halloween costumes. Marami sa kanila ay cartoon character ang costumes, subalit wala silang binatbat sa anak nina Anne at Erwan Heussaf na si Dahlia.

Cute na cute binuhat ni Dahlia ang kanyang makeshift Barbells para sa kanyang pictorial bilang ‘Hidilyn Diaz’, ang kauna-unahang Filipino Olympic Gold Medalist sa larangan ng Female Weightlifting. Ito ang napiling Halloween costume na siya namang nagbigay ng good vibes para sa mga fans at netizens.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)

Tulad kasi ng suot ni Hidilyn Diaz nang mapanalunan nito ang gold medal nitong 2020 Tokyo Olympics ay Blue na damit at may nakasulat na ‘Philippines’ sa gitna ang suot ni Dahlia. Ngiting-ngiti si Dahlia habang buhat-buhat ang barbell na gawa sa pinagsaklob na paper plates.

Proud na ipinost ni Anne Curtis sa kanyang Instagram account ang adorable photos ng anak. Nilagyan niya ito ng caption na, “Our Gold Medalist!!!”

“@hidilyndiaz the youth that with hard work and perseverance you can achieve your biggest/heaviest dreams.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Hidilyn Diaz OLY (@hidilyndiaz)

Agad naman ni-repost ni Hidilyn ang tagged photo sa kanya at pinuri si Dahlia dahil taglay daw nito ang magandang form habang nagbubuhat ng laruan barbell. Ikinatuwa nito ang HD costume ni Dahlia.

Inulan din ng papuri mula sa showbiz friends ng mag-asawa ang picture ni Dahlia. Gayun na din ang good vibes na dala nito sa mga netizens. Ang ilan ay talaga namang bumilib sa napiling Halloween costume ni Dahlia na nagbigay pugay sa nagbigay ng karangalan para sa ating bansa.

Si Dahlia Amélie ay nag-isang taong gulang noong March 2, 2021. Siya ang panganay na anak ng celebrity couple na si Anne Curtis at Erwan Heussaff. Bago ang ika-isang taong kaarawan ni Dahlia ay nagfundraiser ang mag-asawa para makatulong sa mga babies at kabataan na nangangailangan. Ibinigay nila ang nalikom na amout bilang donasyon sa UNICEF.

 

COMMENTS