Kilig na kilig ang netizens sa matching costume ng ‘DonBelle’ couple nitong Halloween.

Kilig na kilig ang netizens sa matching costume ng ‘DonBelle’ couple nitong Halloween.


Muli na namang naghatid ng kilig ang ‘DonBelle’ couple na si Donny Pangilinan at Belle Mariano sa mga fans at netizens. Sila ang bagong love team na p

Oh my Gulay! Regalo ni Senator Kiko Pangilinan sa asawang si Sharon Cuneta, ay bouquet ng gulay.
Rayver Cruz at Julie Anne San Jose, hayagan na ang pag-amin ng kanilang tunay na relasyon: “Mahal kita…maghihintay ako kahit gaano katagal, nandito lang ako”!
Mother-daughter celebrities na close na close at mukhang magkapatid lamang!

Muli na namang naghatid ng kilig ang ‘DonBelle’ couple na si Donny Pangilinan at Belle Mariano sa mga fans at netizens. Sila ang bagong love team na pinakilala ng ABS-CBN, para sa kanilang ‘He’s into Her’ series na ipinapalabas sa iWant TFC. Kasalukuyang nag top rank ang palabas ng ‘DonBelle’ sa streaming platform ng ABS-CBN.

Next level na kilig naman kase ang hatid ng dalawa nitong Halloween, at imbes na dapat ay katatakutan, ay marami sa fans ang nagtaka kung bakit ‘Valentines’ ang vibes na naramdaman ng mga ito sa couple. Sabay na nagpost ang dalawa sa kani-kanilang Instagram accounts ng kanilang red and black dinosaur costumes para sa Halloween.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Donny Pangilinan (@donny)

Nagrerepresinta din ang kulay red at black nilang dinosaur costumes sa fandom colors ng ‘Bubblies’ na red at black na puso. Dinagsa naman ang comment section ng kanilang Instagram accounts ng fans na nagtataka kung bakit ‘Valentines’ ang vibes na bigay ng ‘He’s into Her’ stars.

Ayon sa Instagram user na si @itsyourbabe97: “Halloween pero bat parang valentines?”

Ayon naman sa isa pang user na si @erikaaa.jyc, “Aaaacckkk!!! Dapat matakot ako diba dahil Halloween pero bakeeet kinikilig akooooo???”

Nagpost naman ng nakakatawang komento si @twnklsss, “Hahabol po ako sa Halloween, mamatay ako sa kilig.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Belle Mariano (@belle_mariano)

Hindi naman nagpahuli ang ilang ABS-CBN talents tulad ni Melai na nagkomento ng, “Kilig nanamen” at si AC Bonifacio na nagiwan ng, “ah GANONNN” sa comment section. Nagpa-intriga naman ang actor na si JC Alcantara nang mag komento ng, “Pwede namang umamin na hahahah.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Belle Mariano (@belle_mariano)

Umalma naman ang ilang ‘Bubblies’ na huwag daw munang umamin. Ayon sa isang Instagram user, “Wala munang aamin we like the thrill… wala munang aamin Donbelle nageenjoy pa kami sa paghuhulaan… no pressure!”

Mukhang mas lalong dadami ang miyembro ng Bubblies dahil nasa Netflix na ang ‘He’s into Her’, simula noong November 1.

 

COMMENTS