Donnalyn, nagtrending dahil sa Filipino version nito ng, ‘Squid Game’.

Donnalyn, nagtrending dahil sa Filipino version nito ng, ‘Squid Game’.


Sikat na sikat ang Netflix series na Squid Game, hindi lamang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Maraming memes ang naglabasan, at mas lalong dum

Baron Geisler, nag-public apology matapos mag-viral ang video ng pag-aaway nilang mag-asawa!
Baron Geisler, proud na ibinahagi ang pagtatapos niya ngayon ng kursong Theology: ‘It’s never too late’
Baron Geisler kailangan umano ipa-r3hab ulit ayon sa kaniyang misis matapos na sila ay mag-away umano.

Sikat na sikat ang Netflix series na Squid Game, hindi lamang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Maraming memes ang naglabasan, at mas lalong dumami ang fans ng naturang palabas. Naisipan naman ng vlogger na si Donnalyn Bartolome na gawan ng Pinoy version ang palabas, hindi naman ito nagkamali dahil trending ang ginawa nitong vlog na hango sa South Korean series.

Kung mapapansin kasi, ay kahawig ng original cast ang napiniling makasama ni Donnalyn para sa Filipino version ng Squid Game. Si Baron Geisler ang gumanap na si player 456 Lee Jung-Jae. Si Paul Salas naman ang player 218 na si Cho Sang-Woo. Si Richard Juan ang gumanap na si player 067 Kang Sae Byeok ay umani ng papuri mula sa netizens, gayun na lang di si Ghostwrecker bilang player 101 Jang Deok-Su. Si Marvin Fojas bilang player 199 Abdul Ali at si Rastaman naman ang gumanap na player 001 Oh Il-Nam. Si MNL48 Coleen Trinidad ang player 240 na si Ji-yeong at si Boobsie bilang game doll. Last but not the least, si player 212 Han Mi-Nyeo na character ni Donnalyn.

Teaser pa lang ay marami na ang excited mapanuod ang vlog lalo na’t hinaluan ng Filipino twist ang Squid Games. Kaya hindi narin naging kataka-taka ang umabot sa libong views agad ang vlog nang i-upload ito ni Donnalyn noong Nov. 2. Subalit may ilan na hindi agad napanood ang video dahil sa technical difficulties na dala ng Youtube. Agad naman humingi ng paumanhin si Donnalyn.

 

“Hindi ako paasa babies, can’t you see you’re the best subscribers on earth! That’s why I always make an effort to be deserving of you.

“Turns out this happens on YouTube. Locked as private. Di aakyat sa trending if I private so that’s the last thing I want. Tech difficulties, out of my control.. kaya nakipaglambingan nalang ako sainyo kagabi cause di ko na alam gagawin ko sa tindi ng stress ko hahahahaha, sleepless for 2 freaking days trying to find a way for you to be able to watch it. Kaya hindi ako nagkakalovelife neto eh

“We couldn’t find anything we did wrong. Ako na nga nag-acapella sa intro ng squidgame “Heee Hooo Heee Hoo” para nakong tange hahahahaha

but it’s available na! If not, log in first on yt nalang ha. Enjooooy! Trending tayoooo,”

 

In-character din umarte ang ilan sa mga kasama ni Donnalyn tulad ni Boobsie na kuhang-kuha ang pag-arte bilang game doll sa larong ‘Red Light, Green Light’. Matatawa ka sa bawat eksena kahit sa paglalaro ni Rastaman at ni Baron Gesiler. Ang nagwagi naman sa ‘Red Light Green Light’ at ‘Honeycomb’ challenge ay magkakaroon ng chance mamili ng ka team nila para sa tug-of-war. Tuwang-tuwa naman si Donnalyn at ang mga kasama nito sa mainit na pagtanggap ng mga netizens sa kanilang Filipino Squid Game.

 

 

 

 

 

COMMENTS