Batang 10-taong gulang pa lamang, magisang nabubuhay sa isang gubat.

Batang 10-taong gulang pa lamang, magisang nabubuhay sa isang gubat.


Ang buhay ay sadyang mapagbiro talaga. Mapalad ang mga taong pinanganak na mayroon na. At matinding pagsusumikap naman ang kailangang gawin ng mga tao

Anak ng Magsasaka sa Cagayan ang swerteng nakakuha ng P16M scholarship mula sa Duke University!
Pinay Cinderella: Dating Labandera isa nang milyonarya ngayon!
Proud na isinabit ng isang babae ang tarpaulin sa pagtatapos ng pagaaral, kahit na tagpi-tagpi ang bahay nito.

Ang buhay ay sadyang mapagbiro talaga. Mapalad ang mga taong pinanganak na mayroon na. At matinding pagsusumikap naman ang kailangang gawin ng mga taong isinilang namang salat sa buhay .

Ngunit sa kabila ng pagiging salat sa buhay ay madaming nasa ganitong sitwasyon ang bukas sa realidad at alam kung anong dapat gawin upang makasabay sa agos ng buhay.

Tulad na lamang ng isang batang tiga Vietnam na nabuhay ng siya lamang. Ang batang ito ay si Dang Van khuyen sampung taong gulang.

Si Dang ay namuhay sa kakaiba at kamangha manghang paraan. Maliit pa lamang siya ay naiwan na siya sa kaniyang lola sapagkat maagang pumanaw ang kaniyang ina. Ang kaniya namang ama ay kinailangang pumunta sa ibang lugar upang magtrabaho.

Namuhay si Dang sa pagtatanim ng gulay kasama ang kaniyang lola ito ang naging kasangga nila upang mabuhay.

Ngunit hindi naglaon ay namatay nadin ang kaniyang lola dahil sa katandaan. At nabalitaan din niyang namatay nadin ang kaniyang ama dahil sa aksidente.

Dahil dito ay naiwan na ngang magisa sa buhay si Dang. Nang malaman ng kaniyang paaralan ang nangyari sa kaniyang ama ay nagtulungan sila upang makalikom ng pera na gagamitin upang maiuwi ang bangkay nito at mailibing ng maayos na malapit sakanilang bahay.

Nang tuluyan na ngang naging magisa ang bata sa buhay ay lalo itong nagsumikap na magtanim ng gulay na siya nitong ikinabuhay. Dahil sa kaniyang pagtatanim ay nakakain siya at nakakapag aral.

Minsan nadin siyang inalok ng tulong ng kanilang guro. Upang mapangalagaan sana siya ng maayos. Nais sana siyang ilagay sa isang ampunan kong saan maibibigay sakaniya ang tamang kalinga para sa bata.

Ngunit tinanggihan ito ni Dang at mas pinili niyang mamuhay na magisa. Sinabi niyang kaya niya daw umano buhayin ang kaniyang sarili.

Ang Batang si Dang ay katunayan lamang na kailangan lang maging masipag at matiyaga sa buhay upang magtagumpay. At wala ding pagsubok na hindi kakayanin lalo na kung magiging matibay kang harapin ito.

 

COMMENTS