Matanda na naglalako ng kanyang panindang nakasabit sa kanyang katawan, kumurot sa puso ng mga netizens.

Matanda na naglalako ng kanyang panindang nakasabit sa kanyang katawan, kumurot sa puso ng mga netizens.


Sadya ngang napakahirap kitain ng pera ngayon. Lalo na ngayong nagkaroon ng pandemya. Marami ang apektado ngunit sa kabila noon ay kailangan parin nat

Food Panda Rider, namataang nago-online class matapos ng kanyang deliveries.
Inulan ng tulong ang isang ulirang ama na naglalako ng gulay habang babad sa initan kasama ang sanggol na anak.
Bahay ng Topnocher na Barong barong noon, isa nang kongkretong bahay ngayon.

Sadya ngang napakahirap kitain ng pera ngayon. Lalo na ngayong nagkaroon ng pandemya. Marami ang apektado ngunit sa kabila noon ay kailangan parin natin kumilos upang matustusan ang ating pangangailangan sa araw araw.

 

Isang larawan nga ng matandang lalaki ang muling nagviral sa social media. Sa kuhang larawan ay makikita ang isang matanda na nakasabit ang mga panindang biskwit at mga candy sa katawan.

Ang nasabing matanda ay si Lolo Cirilo Almona siya ay 62 taong gulang na tiga Pasig, City. Si Lolo Cirilo ay walang kasama sa buhay kaya magisa niyang tinataguyod ang pang araw-araw niyang panggastos.

 

Makikita si Lolo Cirilo madalas sa kalye at sa mga jeep na nagtitinda ng kaniyang mga paninda na nakasabit sa kaniyang katawan. Ang mga tinda niya ay sari saring pagkain na pantawid gutom habang nasa biyahe.

Ang nag upload ng nasabing larawan ay si Daryl Bontia kuha niya ito ng minsang makita si Lolo Cirilo na nakasabit sa jeep at nagaalok ng kaniyang mga paninda.

 

Dito nga ay napag alaman na ang matandang lalaki ay wala nang kasama sa buhay. May asawa siya ngunit hindi sila madalas magkita nito dahil namamasukan ito bilang katulong. Inaabot ng taon bago pa sila magkita nito. Hindi rin umano pinalad ang matanda na magkaroon ng mga anak na aalalay sana sakanila.

Sa ngayon nga ay wala ring natutuluyang bahay ang matanda. At nakikituloy lang umano siya sa kaniyang kaibigan.

Mabilis ngang nag viral ang larawang ito ni Lolo Cirilo. Madami ang nahabag at nagpahatid ng tulong sa matanda. Dahil sa mga dumagsang tulong ay nakabili na si Lolo Cirilo ng kaniyang kunting pagkain at gamot.

 

Hangad padin ng matanda na matulungan umano siya ni Willie Revillame nang sa ganun ay matugunan ang pangangailangan niya sa gamot.

Ang kwentong ito ni Lolo Cirilo ay katunayan lang na sa kabila ng hirap ng iyong dinadanas ay hindi ka pababayaan ng diyos at gagamit siya ng mga taong tutulong sa iyong sitwasyon.

 

COMMENTS