Tiyak na ma momotivate kayo sa pagsisikap ng ladyguard/student na si Arlyn Ramos.

Tiyak na ma momotivate kayo sa pagsisikap ng ladyguard/student na si Arlyn Ramos.


Hindi nga kailanman magiging hadlang ang kahirapan para magtagumpay ka sa buhay. Lalo na kung determinado ka talagang maabot ang mga pangarap mo sa bu

Isang nakaka-inspired na dalaga ang triple kayod sa umaga at gabi, habang siya ay isang masipag na estudyante sa tanghali.
Victory! Larong Mobile legends, naging daan sa pagiibigan ng dalawang players na ito.
Doktor, pinasakay ang isang matandang naglalakad mula pampanga hanggang Quezon.

Hindi nga kailanman magiging hadlang ang kahirapan para magtagumpay ka sa buhay. Lalo na kung determinado ka talagang maabot ang mga pangarap mo sa buhay.

 

Gagamiting mong kalakasan ang sitwasyon mo sa buhay upang mapagtagumpayan ang iyong mga pangarap. Katulad na lamang ng isang Lady guard na pinagsabay ang pag aaral at pagta trabaho.

Ang nasabing Lady guard ay si Arlyn Ramos. Siya ay tiga Tagum, Marinduque at 27 taong gulang. Siya ay kumukuha ng kursong Food Service Management sa Bulacan State University (BSU).

 

Madami ang humanga sa kasipagan at pagtityagang ito ni Arlyn. Lalo na ng mapasama siya sa Dean lister ng paaralan. Dahil sa nakamit na ito ni Arlyn ay natampok ang kanyang kwento sa Facebook page ng Bulsu Capture.

 

Dito nga ay makikita sa larawan na nakasuot si Arlyn ng kaniyang uniform na pang security guard. At sa isa namang larawan ay nakasuot naman ito ng kaniyang toga para sa kaniyang graduation.

Sa kabila nga ng hirap ng buhay ay nakayanan pagsabayin ni Arlyn ang pagtatrabaho at pag aaral. Naging inspirasyon daw umano ni Arlyn ang kaniyang pamilya upang ipagpatuloy ang kaniyang pag aaral.

 

Naging mahirap man kay Arlyn pagsabayin ang pagtatrabaho at pagaaral kasabay ng kailangan niyang mapanatiling mataas ang kaniyang mga marka ay napagtagumpayan niya parin ito .

Pangarap din ni Arlyn na makapagtrabaho sa isang cruise ship. Upang maiahon naman sa hirap ang kaniyang pamilya.

 

Paalala niya nga sa kaniyang ama ay magantay lang at magtyaga at sila ay makakaahon din at makakaranas din ng kaginhawaan kapag siya ay nakagraduate na at nakuha na ang nais niyang trabaho.

Ang kuwentong ito ni Arlyn ay umani ng madaming reaksyon at komento. Madami ang humanga sa determinasyon nitong makaahon sa hirap na kinagisnan.

Isa rin itong katunayan na kapag may tyaga at sipag makakamit mo ang iyong mga pangarap at nais marating sa buhay.

 

COMMENTS