22-year old na dalagita, isa nang milyonarya dahil sa pag o-online selling!

22-year old na dalagita, isa nang milyonarya dahil sa pag o-online selling!


Marami sa atin ang pinapangarap maging financially free at makatulong sa ating pamilya. Bagamat lalong hindi ito pinamadali ng pandemyang dumating, at

Inulan ng tulong ang isang ulirang ama na naglalako ng gulay habang babad sa initan kasama ang sanggol na anak.
Lola nagsumikap at nakapagtapos ng Kolehiyo sa edad na 68
Manong konduktor noon, limousine driver na pala ngayon sa Los Angeles, California.

Marami sa atin ang pinapangarap maging financially free at makatulong sa ating pamilya. Bagamat lalong hindi ito pinamadali ng pandemyang dumating, at maraming businesses ang kinakailangan magsara, ay hindi tayo dapat sumuko.

Tulad na lamang ng isang dalagita na patuloy nagsikap na kumita ng pera at sa pagsisikap nito ay naabot nito ang halaga na karamihan sa atin ay pinapangarap pa lamang.

Siya ay si Joyce Sibayan na kinita ang kauna-unahang 1 milyong piso sa edad na 22. Kahanga-hanga ang achievement ni Joyce at marami ang na-inspire sa pagsusumikap niya.

Ipinalabas sa “24 Oras” sa GMA ang kwento ni Joyce at dito ay inamin nito na marami na siyang failure na naranasan sa buhay.

Pagbabahagi nito ay tunay na pasaway siyang anak noong teen age years nito. Hindi raw ito umuuwi ng maaga at madalas na kasama ang barkada kaysa mag-aral ng mabuti.

Minsan nang umano nagtangka ang magulang na tawagan ang pulisya dahil sa hindi paguwi ni Joyce sa kanila. Naging bunga ng kanyang kapabayaan ay ang pagigiging disappointed sa kanya ng kanyang mga magulang.

Dumating ang panahon ay naging desidido si Joyce na baguhin ang sarili upang bumalik ang loob ng kanyang mga magulang.

Sinumulan niyang mag negosyo mula sa paggawa ng chili garlic oil, preloved clothes at cosmetics ngunit pumalpak lamang ang mga ito.

Sa pagkalugi ng mga businesses niya ay dumagdag pa ang kalungkutan niya dahil nakikita niya ang kanyang mga kaibigan na namamasyal at nagsisiyahan lamang ngunit siya ay paulit-ulit na pumapalpak. Ngunit hindi ito sumuko at sinubukan pa uli ang pagbebenta online.

Sinubukan ni Joyce ang FB Live selling at napansin niya na mas marami ang bumibili ng produkto niya sa ganitong pamamaraan.

Ito ang naging daan upang araw-araw makalikom ng buyers si Joyce at ito na ang naging daan upang kumite siya ng isang milyong piso.

Ayon sa panayam sa kanya ng GMA, “Hindi ko ineexpect na kaabot ko siya kase akala ko medyo matagal pa.”

Sikap, tyaga at ang patuloy na paglaban sa pangarap ang naging daan sa tagumpay ni Joyce. May mga bank teller umano na bumilib sa kanya dahil naabot niya ang ganung halaga sa edad niya. Payo ni Joyce sa mga kabataan na gusto rin maabot ang tagumpay na naabot niya, “ang totoo pong importante sa buhay is, kailangan madiskarte ka, masipag ka, matiyaga ka.” Kaya naman kahit anong balakid sa buhay, basta’t may pangarap ay hindi natin dapat sukuan. Panooring ang panayam ng GMA News rito:

COMMENTS