Kilalanin ang matandang naghahanap buhay kasama ang kanyang alagang aso na bibitbit ng paninda nito.

Kilalanin ang matandang naghahanap buhay kasama ang kanyang alagang aso na bibitbit ng paninda nito.


Sa hirap ng buhay ngayon hindi na nagiging hadlang sa ilan ang kanilang kapansanan kumita lang ng pera at maitawid ang araw araw na buhay. Ika nga

80k ng mag-asawang Aeta, muling naibalik sa kanila sa tulong ng bayaning pulis.
Pilipino sa Dubai nakatanggap ng sorpresa mula kay Supercar Blondie.
Dalawang bata na namataang namimili ng damit upang ipangreregalo sa kanilang ina, kinahangaan ng netizens.

Sa hirap ng buhay ngayon hindi na nagiging hadlang sa ilan ang kanilang kapansanan kumita lang ng pera at maitawid ang araw araw na buhay.

Ika nga ng madami kung sino pa iyong may kapansanan at may kakulangan ay sila pa itong masisipag at madiskarte sa buhay samantalang iyong biniyayaan ng kompleto ay yun pa ang mga tamad at hindi kumikilos para sa kanilang sarili.

 

Isa na lang halimbawa sa pagiging masipag sa kabila ng kaniyang kapansanan ang isang matandang lalaki na viral na naman sa social media. Matapos siyang makuhanan ng larawan at video ng isang netizen na si Argem Grace Anne Orcado.

Sa larawan at videong kuha ay makikita ang isang matandang lalaki na paika ika sa paglakad. Halatang wala ito sa maayos na kondisyon ngunit siya ay nagtatrabaho padin Kasama ang mga alaga niyang aso.

 

Ang mga alaga niyang aso ang ang kaniyang ginagamit upang dalhin ang ilan niyang kagamitan sa pagkukumpuni ng mga sirang payong. Mayroon siyang parang maliit na lagayan na mayroong dalawang gulo na siyang inilalagay sa kaniyang alagang aso upang hilain ito.

 

Nililibot nila ang lugar nila upang makahanap ng customer na magpapagawa sakaniya.Labis ang paghanga ng mg netizen sa kabayanihang ito ng matanda.

Nakita nila na sakabila ng hindi nito pagiging kompleto ay tinataguyod nito ang kaniyang sarili upang matugunan ang kaniyang pagkain sa araw araw.

 

Kinakitaan ng tyaga ang matanda sa kabila ng hirap niya sa paglalakad ay siya namang sigasig nitong makalikom ng pera upang kahit papano ay may maiuwing pera.

Umani nga ng sari saring komento at papuri ang larawan at Video na ito ni tatay. Madami ang humanga,naantig at naawa sa sitwasyong iyon ng matanda.

Tunay ngang sa buhay ay kailangan mo lang laging lumaban para ikaw ay makasabay sa agos ng buhay. Susubukin ka ng panahon ngunit patitibayin ka naman.

 

COMMENTS