Pinoy Engineer na sumali sa International Contest, nanalo ng 3.5 Million para sa kanyang Bamboo design.

Pinoy Engineer na sumali sa International Contest, nanalo ng 3.5 Million para sa kanyang Bamboo design.


Sadyang nakakaproud ang makarinig ng kapwa Pinoy na nagpapakitang gilas at naguwi ng malaking karangalan mula sa mga kompetisyon sa ibang bansa. Na

Mala-Snow White ang kwento ng isang Pinay na nakatanggap ng proposal sa kanyang foreigner boyfriend matapos magising sa coma.
Matanda na naglalako ng kanyang panindang nakasabit sa kanyang katawan, kumurot sa puso ng mga netizens.
Ang Hapon na umibig sa isang babaeng badjao, kinasal at pina-kilig ang mundo.

Sadyang nakakaproud ang makarinig ng kapwa Pinoy na nagpapakitang gilas at naguwi ng malaking karangalan mula sa mga kompetisyon sa ibang bansa.

Nagpapatunay lamang ito na kayang-kaya natin makipagsabayan sa innovation ng ibang lahi. Maliban sa kanilang tagumpay, ay tumatayo namang inspirasyon para sa iba pang kabataang Pinoy ang kwento ng kanilang panalo.

Ang Pinoy Engineer na si Earl Patrick Forlales ang kahanga-hangang nakapaguwi ng Grand Prize mula sa Royal Institute of Chartered Surveyors o RICS, dahil sa dinesenyo nitong bahay na gawa sa kawayan o bamboo.

Tinawag ito ni Forlales na, “Cubo”. Ang kanyang disenyo ay gawa sa kawayan na siyang isa sa matitibay na materyales na ginagamit sa paggawa ng bahay.

Tinatayang kayang mabuo ang disenyo ni Forlales sa loob lamang ng apat na oras at umaabos ang gastos ng pagpapagawa ng “Cubo”  sa higit kumulang na P3,000 lamang.

Nakapagtapos ang 23-year old Engineer na si Forlales sa Ateneo de Manila. Ayon sa mga source ay umabot sa 1,200 ang mga sumali sa international competition na ito.

Dahil sa tagumpay ni Forlales ay nauwi nya ang premyo na £50,000 o 3.5 Milyong piso. Ayon kay Forlales ay nais niyang maging solusyon ang disenyo niya na “Cubo” upang makatulong sa dumaraming bilang ng informal settlers sa ating bansa.

Maliban dito ay hindi mainit sa loob ng bahay dahil kawayan ang materyales at mabibigyan pa ng matibay at disenteng tirahan ang ating mga kababayan.

 

Saad ni Forlales, “Cubo started as nothing more than Idea, conceived while spending time at my grandparent’s house – it is incredible to think that it now will become a reality.”

“It is a functional home on its own, but its more than just a house. It’s design to turn community waste in to energy and other vulnerable resources. As it releases 35% more oxygen than trees and can be harvested annually without causing degration.”

“With the Government’s ‘build build build program’ there will be more construction workers coming into the city.. We want our workers who are producing our high-rise multi storey to have dignified housing of their own.”

Maging ang president ng RICS ay napahanga sa solusyong hatid ng “Cubo” ni Engr. Forlales. Ayon kay John Hughes, ang presidente ng RICS Global, “The world cities are growing all the time and there is a real need to make sure they are safe, clean and comfortable places to live for future generations.”

“There were many exciting, original ideas among the submissions however Earls Idea stood out for its simple yet well-thought solution to the world’s growing slum problem,” pag dadagdag ni Hughes.

 

Kasalukuyang isinasakatuparan ni Engr. Forlales ang pagpapatayo ng kanyang Cubo sa Pilipinas at pinaplanong makapagpatayo ng 10,000 units bago mag 2023.

Mayroon din itong prototype model para sa mga investors na nais makita ang kanyang ideya ng mas malinaw. Saludo kami sayo Engr. Forlales!

 

 

COMMENTS