Pag-iibigang nagsimula sa simpleng ‘wave’ sa messenger, nauwi sa ‘forever’.

Pag-iibigang nagsimula sa simpleng ‘wave’ sa messenger, nauwi sa ‘forever’.


Marami sa atin ang naghahanap pa rin ng kanilang, ‘forever’. Bagamat dumarami ang mga meme at usaping ‘walang forever’, ay mayroon pa rin na umaasa na

Kakaiba at nakakamangha na maternity photos, ginawa lamang sa loob ng bahay habang naka quarantine.
Working student noon na may apat na trabaho, proud graduate na ngayon.
Owner spent money on vet services only to find out his dog was faking his limp because of one reason.

Marami sa atin ang naghahanap pa rin ng kanilang, ‘forever’. Bagamat dumarami ang mga meme at usaping ‘walang forever’, ay mayroon pa rin na umaasa na makasama ang kanilang sinisinta.

Kung noong unang panahon pa ay napakahirap magpakita ng nararamdaman sa iyong minamahal dahil papel at panulat lamang ang maari mong gamitin, ngayon ay mayroon nang teknolohiya.S

a tulong ng teknolohiya ay nakilala ni Gian Carlo Axalan ang kanyang ‘forever’. Inilahad nito kung pa paano niya nakilala ang kanyang asawa ngayon na si Kate Axalan.

Habang nags-scroll sa social media ay nakita niya umano ang profile pic ni Kate. Nang makita niya ang picture nito ay nagkaroon ng interes si Gian na mapalapit sa dalaga. Naglakas loob umano ito na mag-‘wave’ sa messenger.

Lingid man sa kaalaman niya noong mga panahong iyon, ay siya na pala ang babaeng makakapiling niya habang buhay. Nagsimula sa simpleng ‘wave’ hanggang sa nagkapalagayan ng loob ang isa’t isa.

Hindi nagtagal ay naging magkasintahan ang dalawa. Nagkita sila umano ng isang beses bago napunta sa long distance relationship o LDR ang kanilang relasyon.

Dalawang taon din ang tiniis ng magkasintahan sa pagiging LDR, mahirap ngunit dahil tuloy ang komunikasyon ng dalawa ay napagtagumpayan nila ang pangungulila dahil malayo sila sa isa’t isa.

Dumating ang pagkakataon na sila’y makapagkita muli at hindi na pinalampas ni Gian ang pagkakataon na tanungin si Kate.

Sa pangalawang pagkikita nilang iyon, ay doon na nga nagpropose si Gian at walang pagaatubiling tinanggap ni Kate.

Maraming netizen ang natuwa at kinilig sa kwento nila Kate at Gian. May mga nakarelate at nagsend ng kanilang congratulations at well wishes sa bagong kasal.

Lalo na’t kitang-kita sa kanilang wedding picture na napakasaya ng dalawa sa kanilang kasal. Kadalasan ay natatagpuan talaga ang pag-ibig sa mga di inaasahang paraan.

Pag-iibigang nagsimula sa wave lang, na sinamahan ng lakas ng loob at pagmamahal, doon nakamit ni Gian ang kanyang napakagandang ‘forever’.

 

COMMENTS