Kathryn Bernardo, ini-reveal ang kanyang sekreto sa pagpapanatili ng kanyang fit body.

Kathryn Bernardo, ini-reveal ang kanyang sekreto sa pagpapanatili ng kanyang fit body.


Marami sa mga artista ang hinahangaan sa kanilang fit na katawan. Tinatawag na “fitspiration” ng ilang netizen at fans dahil sa kanilang effort na map

Filipino Soap Operas that became popular in Southeast Asia
Julia Montes Nakaramdam nga ba ng inggit sa pagsikat ni Kathryn Bernardo
Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, excited at proud na nag-celebrate ng kanilang ika-10th year anniversary bilang mag-couple! To the next level na nga ba?

Marami sa mga artista ang hinahangaan sa kanilang fit na katawan. Tinatawag na “fitspiration” ng ilang netizen at fans dahil sa kanilang effort na mapanatili na maging healthy at fit. Isa sa mga ‘fitspiration’ ng mga netizen ay ang kapuso actress na si Kathryn Bernardo. Kung mapapansin ay open-book si Kathryn sa kanyang fitness journey at kung papaano nito na ma-maintain ang kanyang fit body. Sa kanyang vlog ay makikita ang ilang tips na ibinahagi ng actress kung paano nito sinisiguradong healthy at fit ang sarili.

 

Aminado si Kathryn na isa siyang food lover, at talaga namang mahilig din tumikim ng iba’t ibang klase ng lutong pagkain. Subalit mahalaga din sa kanya ang pagiging healthy kaya naman ay ibinahagi nito mayroon na itong indoor gym.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)

Ikinuwento din nito na importante ang pagpapanatili ng balanse sa pagkain at pag eehersisyo. Noon ay nahirapan itong mapanatili ang didisplina sa sarili subalit nang mapansin nito na hindi na sapat ang maging aktibo at maging busy upang mapanatili ang fit na katawan ay nagsimula na itong mag effort na magehersisyo. Pagbabahagi ng aktres, “When I say eating the right food, hindi naman ibig sabihin hindi na masarap. Pwede pa rin.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)

“Sabi ng trainer ko it’s good to reward yourself twice a week para hindi ka nade-deprive.” Ayon sa kanya ay Thurdays at Sundays ang kanyang ‘cheat days’.

“I think the secret lang is do not deprive yourself, but do not overeat,” pagdidiin ni Kathryn. “You have to take care of your health. More than just being physically maganda kapag kumakain ka ng tamang food, it’s really for your health.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)

Sinisigurado rin ni Kathryn na makapag ehersisyo nang apat na beses sa isang linggo. Sinisikap din nitong makaabot ng 5000 steps sa loob ng 30 minutos. Isa pang secret tip ng aktres ay ang pagsuot ng workout outfit pagkagising pa lamang sa umaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)

“For me, pagkagising ko and I wear my workout clothes [agad], feeling ko ma-o-oblige ako to workout kasi suot ko na siya. Kahit mag work-out ako ng mga 6 o’clock o anong oras pa yan, ma-o-oblige ako to workout kasi nakapang-workout na ‘ko. Try that, na gawin mong pambahay yung workout outfit mo para wala kang reason na mag-complain. Just wear something cute or yung mapapa-happy ka. It doesn’t have to be expensive… because it gives you that extra motivation.”

 

Tunay na marami sa atin ang hirap na makapag-commit ng pageehersisyo sa umaga, subalit tulad ni Kathryn ay kailangan natin alagaan ang ating kalusugan.

COMMENTS