Lola nagsumikap at nakapagtapos ng Kolehiyo sa edad na 68

Lola nagsumikap at nakapagtapos ng Kolehiyo sa edad na 68


Ang edukasyon umano ang susi upang magtagumpay ka sa buhay . Kaya madaming nagnanais na makatapos talaga ng pagaaral at makakuha ng magandang trabaho

Netizen na tumulong sa isang Lolo sa ATM nito, umani ng papuri sa social media.
Pinay Cinderella: Dating Labandera isa nang milyonarya ngayon!
Isang nakakamanghang market vendor ang nasungkit ang pagiging Mayor mula sa isang Doktor!

Ang edukasyon umano ang susi upang magtagumpay ka sa buhay . Kaya madaming nagnanais na makatapos talaga ng pagaaral at makakuha ng magandang trabaho pag tapos nito.

Isa din ang edukasyon sa matatawag na kayamanan na hindi makukuha nino man ito lagi ang karaniwang sinasabi ng mga magulang upang mag aral ng mabuti ang kanilang mga anak.

Katulad na lamang ni Lola Leonita Sinucbit na 68 taong gulang na hindi inalintana ang kaniyang edad makapagtapos lang ng pag aaral.

Kumuha siya ng kursong tourism management sa Bulacan State University at naging Dean lister siya sa unibersidad na ito.

High school graduate daw umano si Lola Leonita at hindi na nakapagtapos ng pagaaral dahil sa hirap ng buhay. Lumawas daw siya ng Maynila galing Camarines Norte upang doo sya magtrabaho.

Unang naging trabaho ni Lola Leonita ang maging tagapaglinis ng isang restaurant matapos iyon ay nalipat siya sa isang beer house kung saan nadiskubre niya ang kaniyang talento sa pag kanta. Dun na nga nagumpisa pumayagpag ang karera ni Lola sa buhay.

Naging abala nga si Lola Leonita sa pagkanta at pagtatrabaho upang matulungan at maibigay ang pangangailangan ng kaniyang pamilya.

Tuluyan niyang nakalimutan na ipagpatuloy pa ang kaniyang pangarap na makapagtapos ng pag aaral.

Nang umedad na nga si Lola leonita ng 64 anyos ay napagdesisyunan din naman niyang bumalik sa pag aaral at tapusin ito.

Sa huling pagkakataon ay hindi nga nabigo si Lola Leonita siya ay nakapagtapos sa kursong Tourism Management.

Madami ang humanga sa pagsusumikap na ito ni Lola Leonita at madami din ang nabuksan ang isipan na hindi pa pala huli ang lahat upang matupad ang kanilang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral.

Wala naman sa edad o estado ng buhay yan, ang kailangan mo lamang ay sipag at determinasyon upang magawa at makamit mo lahat ng ninanais mo sa buhay.

COMMENTS