Taxi Driver noon,  isa ng matagumpay na app developer ngayon sa Australia

Taxi Driver noon, isa ng matagumpay na app developer ngayon sa Australia


Sa panahon ngayon maswerte na nga lang kung makatagpo ka ng taong matapat yung hindi agad nasisilaw sa mga materyal na bagay. Katulad nalang ng kwe

“SHE SAVED OUR LIVES” Passenger shares how a lady pilot lands the plane safely after a turbulence flight.
Scene sa movie na “Crazy Rich Asians”, ginaya ng isang lalaki para magpropose sa kanyang girlfriend.
Netizen na tumulong sa isang Lolo sa ATM nito, umani ng papuri sa social media.

Sa panahon ngayon maswerte na nga lang kung makatagpo ka ng taong matapat yung hindi agad nasisilaw sa mga materyal na bagay.

Katulad nalang ng kwento ng isang taxi na si Regie Cabutotan na mula sa Baguio City of mas kilala bilang city of pines.

Taong 2017 ng maging laman at usap usapan si Reggie sa Social Media dahil sa kabutihan at katapatang ginawa nito sa kaniyang australyanong pasahero.

Naiwanan kase ng Australyanong ito ang kaniyang mga mahahalagang kagamitan sa taxi ni Reggie kasama doon ay ang kaniyang laptop, cellphone at iba pang mahahalagang gamit nito.

Walang atubiling ibinalik naman ito ni Reggie sa pasahero at dahil sa kabutihang iyon ni Reggie ay sinuklian ng Australyano ang kaniyang ginawa.

Isa pa lang Businessman at may kaya sa buhay ang Australyanong naging pasahero ni Reggie. Binigyan lang naman niya si Reggie ng full scholarship para makapag aral sa Australia at ginawa niya din itong isang ganap na app developer.

Hindi lang dun natapos ang tulong ng Australyano, binigyan niya din ng pagkakataon na makapasok si Reggie sa isang company sa Australia bilang intern na sumasahod ng 1.7 milyong piso kada buwan.

Hindi naman nabigo si Reggie sa kaniyang tinahak na landas dahil  isa na siyang ganap na app developer ngayon.
Ang kaniyang unang proyekto ay “Taxi Coder Tour Guide” isa itong transport app na pwedeng magamit ng mga turistang namamasyal.

Ayon pa nga kay Reggie ay maihahalintulad ito sa Grab na app kung saan talaga mapapagaan ang pamamasyal ng mga turista. Ito daw ay denisenyo talaga para sa mga turista.

Malayo na nga ang narating ni Reggie sino ba namang magaakala na ang dating taxi driver ay makakarating sa Australia at makakapag aral at magkakaroon ng magandang trabaho at kita.

Totoo nga ang kasabihan na kapag gumawa ka ng kabutihan sa kapwa ay kabutihan din ang ibabalik nito sayo.

Kaya naman wala talagang imposible sa buhay samahan mo lang ng sipag at tiyaga pagiging matapat at may respeto sa kapwa tiyak sa huli ay magtatagumpay ka.

COMMENTS