Babaeng binansagan bilang “ The ugly fat girl” Ginulat ang mga Nambully sakanyang Transpormasyon.

Babaeng binansagan bilang “ The ugly fat girl” Ginulat ang mga Nambully sakanyang Transpormasyon.


Sa panahon natin ngayon ay madami nga ang nakakaranas ng pambu-bully. Kahit saang sulok ng mundo ay walang nakakaligtas sa ganitong kaso. Isa na nga d

Mag-fiance ang nag pre-nuptial photoshoot ng parang movie posters, nag viral.
Kilig! Courier rider falls in love with a customer, finally gets a happily ever after.ł
Isang dating Vice Mayor ng Victoria, Laguna noon ay naging isang sepulturero na lamang ngayon!

Sa panahon natin ngayon ay madami nga ang nakakaranas ng pambu-bully. Kahit saang sulok ng mundo ay walang nakakaligtas sa ganitong kaso. Isa na nga dito si Joanna Joseph. Ating alamin ang kanyang kuwento.

Si Joanna joseph ay taga Malaysia. Siya ay nakaranas ng matinding pambu-bully noong sya ay nag-aaral na umabot pa hanggang siya ay high school na.

Joanna Joseph at school

Ayon sa kanya ay Nagiisa lamang umano siyang anak ng kaniyang mga magulang. Kaya mahal na mahal siya ng mga ito na halos lahat ng kaniyang nais ay ibinibigay.

At noon pa man daw talaga malakas na daw talaga siya kumain. Wika pa niya ” Malakas talaga ako kumain, at kaya kong ubusin ang limang plato ng kanin sa isang upuan.” At dahil nga diyan ay nailathala siyang pinakamataba na bata nung siya ay nasa pre-school dahil sa bigat nyang 60kg.

Mas lumala pa ito nung siya ay naging labing tatlong taong gulang dahil umabot daw siya sa 104 kg. Huli na daw ng mapagtanto ng kaniyang mga magulang na obese na siya.

Hindi din daw inaasahan ni Joanna na mismong malalapit nyang mga kaibigan ang isa sa mga mambu-bully sakanya. At wala daw ni isa man sa kanilang paaralan ang nagtanggol man lang sakanya. Wika pa nya ” Ultimo nga teacher ko inaasar ako ,kaya ayun pati mga kaibigan ko inaasar nadin ako”.

At dahil nga daw doon ay dumanas si joanna ng matinding depresyon. “Wala nang nakikipag usap sakin that time kaya tinuon ko nalang ang sarili ko sa musika at pagsusulat ko sa diary”.

Nagpapasalamat din siya sa kanyang ama na nagpakilala sakanya ng musika at sa kanyang pop idol na si Justin Bieber na nagsilbing inspirasyon nya nung mga panahong iyon.

Ngunit nabago ang lahat nung tumuntong ang edad nya ng kinse anyos. Napagdesisyunan nyang baguhin na ang kanyang nakagawian at magdiet na para hindi na siya mabully pa.

Wika pa niya ” Pinaka Motibasyon ko talaga ay yung mga nambully sakin gusto kong patunayan sa kanila na kayang maging payat ng isang mataba kapag ginusto nila.”

Inamin ni joanna na iniwasan nya ang kanyang mga paboritong pagkain at nagpokus sa mga masustansiyang pagkain. Sabi pa niya ” Nagpokus talaga ako sa mga vegetables, fruits, brown carb at mga pagkaing mataas sa protein.”

Dagdag pa niya ” Nageehersisyo ako ng dalawang oras sa bahay araw-araw at nag jajogging ako sa labas tuwing gabi.”

Hindi daw naging madali ang naging transpormasyong iyon ni joanna. Sapagkat umabot daw ito ng 3 buwan hanggang 6 na buwan bago nya nakuha ang timbang na nais nya.

At dahil nga sa matinding determinasyon ng dalaga ay nakuha nya ang kanyang nais ang dating timbang na 104kg ay naging 53kg nalang.

Pagtapos daw nun ay kinoronahan siya bilang Miss Selangor Earth 2016. At kanya ngang ibinahagi ang kanyang transpormasyon upang maging silbing inspirasyon sa madaming tulad nya.

Sabi pa ng dalaga “Doon sa mga tulad kong nais magbawas din ng timbang tyaga at determinasyon ang kailangan para makuha mo ang ninanais mong makamit.”

May nais ring iparating ang batang beauty queen sa mga nambu-bully “Naniniwala ako na yung mga nambu-bully na yan ay yung may mga inggit sa katawan nila so para maging okay sila pambu-bully yung nakikita nilang solusyon para sumaya sila.” Saad pa nya.

Nais din ng 21 anyos na dalaga na maging inspirasyon sa nakararami kaya hindi niya itinago ang kanyang mapait na karanasan. Dahil nga doon ay napagdesisyunan ng dalaga na sumulat ng libro tungkol sa kanyang buhay na siyang mas makakatulong sa mga tulad nyang nabu-bully at ito ay tinawag niyang “live to Inspire (Joanna Joseph Style) na ang pangunahing layunin ay ang kahalagahan ng pagbabawas ng timbang at pamumuhay ng wasto at tama. Nagbibigay din siya ng Fitness tips sa kanyang instagram @officialjoannaj.

Tiyak na ang kuwentong ito ni joanna ay nagbigay ng inspirasyon sa mga taong minsan nadin nakaranas ng pambu-bully. At sana isa narin ito sa paraan upang magbukas ang kaisipan ng marami na ginagawang katatawanan ang kanilang kapwa.

COMMENTS