Pinoy na bartender, naka-‘forever’ ang isang Finnish na dilag matapos niya ito hagisan ng ‘flying kiss’.

Pinoy na bartender, naka-‘forever’ ang isang Finnish na dilag matapos niya ito hagisan ng ‘flying kiss’.


Iba-iba ang istorya ng pagibig ng bawat isa sa atin, at iba-iba rin ang pagsisimula ng mga ito. Ang iba ay nagsisimula sa simple pagsabi ng hello, pag

Manny Pacquiao, pinabilib ang mga banyaga sa pagbigay nito ng tulong sa isang pulubi.
Guro na buwis-buhay na naghahatid ng modules sa kanilang mga estudyante ngayong pandemya.
Anak ng Magsasaka sa Cagayan ang swerteng nakakuha ng P16M scholarship mula sa Duke University!

Iba-iba ang istorya ng pagibig ng bawat isa sa atin, at iba-iba rin ang pagsisimula ng mga ito. Ang iba ay nagsisimula sa simple pagsabi ng hello, pagpapapansin o di naman kaya ay sa hindi inaasahang bagay tulad nalang ng hindi sinasadyang ‘flying kiss’.

Nakakatawa man isipin ngunit dito nagsimula ang pagiibigan ng isang Pinoy bartender at isang Finnish national na nagkita sa isang cruise ship.

Si Bryan Calonia ay isang bartender sa isang cruise ship nang makilala niya si Jasmina. Hindi niya inakala na ang napaka gandang dilag pala ay kanyang magiging nobya.

Pinoy Bartender, nakilala ang Finnish na misis dahil sa isang "flying kiss"Kwento ni Bryan ay napansin niya ang dalaga nang dumaan ito sa bar. “Na-starstruck talaga ako. Sobrang ganda kasi niya.” Hindi raw nito umano maipahayag ang naramdaman nang una niya makita si Jasmina.

Kabilang sa trabaho niya bilang bar tender ang pagpe-perform ng tricks gamit ang mga kagamitan sa bar. Saad ni Bryan, “Sa routine ko, ‘may flying kiss’ towards the crowd. Pag haggis ko ng shaker, saktong dumaan siya at sa kanya ko pinoint ‘yong finger. Nagsigawan ang mga tao.”

Matapos ang hiyawan ng mga manonood at ng kanyang performance ay nagkita muli ng landas ang dalawa. Hindi na inaksaya ni Bryan ang pagkakataon at hiningi ang facebook ni Jasmina.

Matapos ang cruise ay nagkahiwalay ang dalawa, ngunit kahit malayo ang distansya ay nagiging malapit naman ang dalawa.

Bumalik na ng Finland ang dalaga at si Bryan naman ay nasa Pilipinas. Madalas sila umano magusap sa facebook na siya namang naging daang upang mapunta sa pagmamahalan ang dalawa

Hindi nagtagal ay nagpunta ng Pilipinas si Jasmina upang makapiling si Bryan. Sa ngayon ay nasa Cebu si Jasmina at Bryan at magkasamang nagpapatakbo ng kanilang negosyo na 2D Art Café na The White Mansion[/caption]

Nafeature ang nakakakilig na kwento ni Jasmina at Bryan sa programang “Kapuso Mo, Jessica Soho” na nakapagbigay inspirasyon sa marami.

COMMENTS