Dakilang raketerang Pinay, nakabili ng bahay sa edad na 25.

Dakilang raketerang Pinay, nakabili ng bahay sa edad na 25.


Marami ang nangangarap na makabili ng sariling bahay at patuloy na nagpupursige upang matuloy ito. Kaya naman ang karamihan sa ating nga kababayan ay

Filipina Scientist who invented the Banana Ketchup and saved lives gets recognized by Google
Doktor na proud na anak ng magsasaka, naikwento ang pagsusumikap ng pamilya nito na mapag-aral siya.
Wowowee dancer noon, ngayo’y Multi-Millionaire businesswoman na!

Marami ang nangangarap na makabili ng sariling bahay at patuloy na nagpupursige upang matuloy ito. Kaya naman ang karamihan sa ating nga kababayan ay sinisikap magtrabaho sa ibang bansa upang makapagpundar ng sariling bahay.

 

Subalit isang Pinay ang nagpapatunay na kayang-kaya maabot ang mga pangarap nang hindi umaalis ng bansa. Sa katunayan ay 25 years old pa lamang ay may sariling bahay na siya.

Siya ay si Ella Merculo na ngayo’y 34 years old na at isang sales operations specialist. Binahagi nito ang kwento ng pagbili niya ng kanyang bahay upang makapag-inspire sa iba pa nating kababayan na kailangan lamang ng diskarte at pagpupursige upang magkaroon ng sariling bahay.

Isang townhouse sa Sta. Rosa Laguna ang nabili ni Ella at sa ginamit niya ang housing loan mula sa PAGIBIG upang mabili ang bahay niya. Ayon dito ay 2012 nya nabili ang bahay at matapos ang dalawang taon na pagtitiis ay na-turn over na rin sa kanya ang bahay.

 

Ibinahagi ni Ella Merculo sa isang email interview sa Female Network ang kanyang journey at experiences nang makamit niya ang kanyang bahay. Pagkukuwento nito, “Sobrang saya! Overwhelming and fulfilled kahit ‘di pa siya fully paid. ‘Yung nakita mo na lahat ng sacrifices at pagod mo, it’s all worth it.”

Dagdag pa nito, “Mas nag-mature ako noong nagkaroon ako ng sariling property. Before, sa mall, ang una kong pinupuntahan ‘yung mga shoes and bags. Now, mas naha-happy ako sa mga appliance, furniture, and hardware stores.”

 

Nagsimula umano ang kanyang pagaasam na magkaroon ng sariling bahay dahil gusto nito patunayan sa sarili na kaya na niyang maging independent. Ayon kay Ella, “I really want to live independently, as I want to prove to myself that I can do it and that I can manage my finances on my own.”

Nagulat umano ang mga magulang ni Ella sa plano nito na magkaroon ng sariling bahay at doon na manirahan. “Lagi kong ino-open ‘yun sa kanila [then] after four years of working, I decided to push through with it. Ayaw nila pero pinilit ko pa din for my own good din naman… Natanggap na din nila kalaunan since every weekend, dinadalaw ko naman sila,” saad ni Ella.

 

Nagsimula si Ella maging independent noong sya ay 23 years old. Nagtrabaho ito sa banko at nagrerenta ng apartment na nanghahalaga na 5,000 pesos. Dito ay natuto siyang magtipid at magbudget. Kwento ni Ella, “Sobrang tipid ko noon kasi maliit lang suweldo ko. I usually cook for my baon para ‘di na ko bibili sa cafeteria ng lunch. My daily expenses range from P200 to P300 all in—transportation fare and food. Minsan ‘di naman inaabot ng P300 kasi tipid mode talaga ako.”

 

Subalit napansin ni Ella na kahit gaano katagal ang pagbabayad nito ng renta ay hindi naman mapapasakanya ang bahay at magpapatuloy lamang ang pagtitipid na ginagawa nito. Kaya naman ay nagplano itong bumili ng sariling bahay. Nahanap naman nito ang bahay na swak sa budget, good neighborhood, accessible sa main roads at malapit lamang sa bahay ng kanyang mga magulang. Kaya naman ay nag apply ng PAGIBIG loan si Ella.

“The equity is P100,000 payable in 18 months prior to turn over. During this period, the broker processed all the documentation with Pag-IBIG. I just attended a seminar for the housing loan,” saad ni Ella. Dito ay nagsimula si Ella ng ilang side hustles upang makabawas sa loan nito. “I looked for different sources of income. I started my journey as a makeup artist and also hosted events. I sold various items online too, such as garments, chocolates, imported bags, etc.”

 

“Every weekend mostly ‘yung gigs ko kaya occupied yung weekend schedule ko. And if ever may weekdays, that’s when I would use my leave credits”

 

Muli ay sinikap ni Ella maging matipid sa lahat ng bagay kaya naman ay ni-limitahan din nito ang pamamasyal sa ibang bansa. “I have only visited three countries—Hong Kong, Macau, and Taiwan—but it’s okay since my priority is to have my own property first,” ayon kay ella.

“Yung total selling price ng bahay is nasa P800K. But since pinasok sa Pag-IBIG, na-maximize ko for 30 years na P5,000 ang monthly amortization,” saad ni Ella. “Marami pang aayusin, pero uunti-untiin natin ‘yan. The second floor is still unfinished, no room division yet. I actually had plans to push through with the renovations in 2019, but I decided to purchase my first car and use the funds first for the down payment. Now, I am in the process of saving up again so I can proceed with the renovation.”

 

May iniwan namang advice si Ella sa mga tulad niyang nais makabili ng sariling bahay, “Focus on your goals and work hard to achieve them. Your sacrifices will be all worth it. Mahirap. Nakakapagod. May times na feeling mo susuko ka na pero laban lang. Mapapagod pero ‘di susuko.”

 

COMMENTS