“Daig ko pa ang nanalo sa lotto” Boyfriend nagsumikap magtrabaho para mapagaral ang girlfriend sa kolehiyo.

“Daig ko pa ang nanalo sa lotto” Boyfriend nagsumikap magtrabaho para mapagaral ang girlfriend sa kolehiyo.


Pinagsumikapan ni Ador Adrian Gabrieles na mapagaral ang kanyang girlfriend na si Aira Arcamo sa isang mahalagang dahilan. Sa murang edad na 18 tao

Ofw na nagpagawa ng boquet ng pera para sa kanyang ina, usap-usapan sa Social Media.
Tiyak na ma momotivate kayo sa pagsisikap ng ladyguard/student na si Arlyn Ramos.
Magandang dilag nahanap ang kanyang ‘the one’ sa lalakeng may dwarfism.

Pinagsumikapan ni Ador Adrian Gabrieles na mapagaral ang kanyang girlfriend na si Aira Arcamo sa isang mahalagang dahilan.

Sa murang edad na 18 taong gulang, ay nagsusumikap na si Ador magtrabaho upang mapagaral ang girlfriend nito sa kolehiyo. Ito na ata ang isa sa mga kahanga-hanga na relationship goals ng dalawang magkasintahan.

Ngayong nakapagtapos na si Aira, ay naikwento ni Ador ang istorya kung bakit nagsusumikap itong magtrabaho sa kanyang facebook account.

Magkasamang nakasakay sa jeep ang dalawa sa Marilao, Bulacan, nang makatanggap ng text message si Aira mula sa kapatid nito. Ang kapatid umano ni Aira ay nakapagenroll na sa kolehiyo, na ikinalungkot naman ng nito.

Pakiramdam ni Aira ay siya lang ang hindi makakapag tuloy sa kolehiyo sa kanilang magkakapatid. Doon nagsimula tumanggap ng responsibilidad si Ador kahit na walang ideya pa ito kung anong trabaho ang kukunin.

Nangako ito na pagaaralin si Aira at magbibigay suporta sa lahat ng kakailanganin nito sa pag-aaral.

Nakapagapply si Ador bilang bagger sa Savemore na siya namang ikinatuwa nito nang matanggap siya. Basang-basa mula sa malakas na ulan ang damit ni Ador nang humarap ito sa interview kaya laking pasasalamat nito nang makuha niya ang trabaho.

Subalit lalong lumalaki ang fees sa pagaaral ni Aira habang pataas ng pataas ang antas nito sa kolehiyo. Napagisipan nitong magaral ng Ingles upang makapag apply bilang call center agent.

Sa katunayan, si Aira pa mismo ang tumulong sa kanya na makapagsalita ng English sa kadahilanang Bachelor of Arts in English Language ang kursong pinili nito. Sinikap nitong matuto sa madaling panahon kaya naman ay nageensayo siya sa pagsasalita ng Ingles pag wala ang dalaga.

Dahil sa pagpupursige ay natanggap sa isang BPO company si Ador at nagkaroon na ng sapat na sahod upang mapagtapos ng pagaaral si Aira. Tila isang proud parent si Ador nang makasama ito sa graduation pictorial ng dalaga.

Ibinahagi ni Ador sa post niya kung bakit niya piniling suportahan ang kasintahan na makapagtapos ng pagaaral,

Gusto kong makita nila kung gaano ko kamahal ang girlfriend ko. Na kahit ganito lang ako, ay kaya kong maging isang mabuting partner sa anak nila.

Nais kong magkaroon ng magandang imahe ng isang mapagmahal na nobyo, may pangarap na asawa, at huwarang ama sa mga magiging anak naming sa mga mata nila.”

Hindi maiwasang makatanggap ng kritisismo ang magkasintahan. Ipinaliwanag ni Ador kung ano si Aira para sa kanya,

Hindi ko to ginagawa para meron akong investment. Ginagawa ko to dahil mahal ko siya, espesyal sya, at deserve nya ang ganitong treatment.

Kapag nawala ako, hindi sya titignan o mamaliitin ng iba dahil nakapagtapos sya. Kapag mawala ako, mayroon syang mahahanap na magandang trabaho.”

Higit sa lahat ay proud siya sa kasintahan niya,

Ngayon, gagraduate na ang gf ko. Makakamit na nya ang pangarap nya. Makakapaglakad na sya ng may tapang at may lakas ng loob dahil sa April 14 [2019], ganap na syang degree holder. Mas daig ko pa ang nanalo sa loto. 

Kahanga-hanga ang nakamit ng dalawa nang dahil sa pagibig, pagtitiwala at pangangalag nila sa isa’t-isa.

COMMENTS