Italyanong napadpad sa Pilipinas, natagpuan ang kanyang soulmate sa isang Pinay nurse.

Italyanong napadpad sa Pilipinas, natagpuan ang kanyang soulmate sa isang Pinay nurse.


Isang kwentong pagibig muli ang bubungad sa inyo na tiyak magbibigay pag-asa sa mga kababayang nating hinahanap pa ang kabiyak ng kanilang mga puso.

Barkadang sabay-sabay gumala noon, sabay-sabay namang nagdadalang-tao ngayon.
Pupukaw sa inyong mga puso ang madamdamin na sulat ng isang anak para sa kanyang ulirang Ama.
Estudyante mula Leyte, nakamit ang 20 Million pesos worth na premyo mula sa International Science Competition

Isang kwentong pagibig muli ang bubungad sa inyo na tiyak magbibigay pag-asa sa mga kababayang nating hinahanap pa ang kabiyak ng kanilang mga puso.

Tunay na makulay ang bawat sandal kapag kasama mo ang taong pinakamamahal mo. Ganun na lamang ang naramdaman ng Italyanong si Mirco nang makilala niya ang kanyang girlfriend na si Tere.

Ayon sa palabas na ‘Kapuso Mo Jessica Soho’, ay dumating umano sa punto si Mirco na pakiramdam nito ay may kulang sa kaniyang buhay. Kaya naman ay nagpasya itong magtravel sa iba’t ibang lugar hanggang sa makarating ito ng Pilipinas at dito nga ay nakilala nya si Tere na isang Pinay nurse.

Pagkakilala ng dalawa na nauwi sa pag-iibigan at sinabayan pa ni Tere ang hilig ni Mirco sa pagtratravel. Travel vlogger si Mirco na siya namang naging pangunahing hanapbuhay ng dalawa dahil na rin nagagawa nila ang kanilang passion, ang pagta-travel.

Kaya naman ay nagpasya na silang iwan ang kanilang mga trabaho at magfocus sa kanilang vlog na kanila namang inuppload sa kanilang mga social media account.

Iba’t-ibang travel destinations na ang na feature nila sa kanilang vlog ngunit ang karamihan dito ay sa Palawan. Nakakabighani ang Palawan, lalo na sa Nacpan Beach sa El Nido, na isa sa best beach in the world.

Isa sa mga paborito nilang isla sa Palawan ay ang may pinakamalinaw na dagat sa buong mundo, ang Linapacan.

Noong March 2019 ay dito nagpropose si Mirco kay Tere, at ito na rin ang lugar kung saan ginanap ang kanilang beach wedding.

Noong 2020 naman ay nabiyayaan sila ng isang napakacute na baby girl, si Bella Modessa Therese. Ipinangalan nila ang kanilang anak sa paborito nilang isla.

Talaga namang walang tatalo sa ganda ng Pilipinas, isama pa diyang ang mga friendliness at hospitality trait ng mga Pilipino. Kaya naman ang Italyanong si Mirco, dito na sa bansa natin nahanap ang paraiso, sa piling ng kanyang asawa at anak.

COMMENTS