Lovely Abella, nakabili na ng bahay dahil sa pag o-online selling.

Lovely Abella, nakabili na ng bahay dahil sa pag o-online selling.


Talagang napakatalented ni Lovely Abella dahil hindi lamang ito may taglay na talento sa pagsasayaw, ay magaling din itong host, comedian, actress at

Julia Barretto, sinabing huwag munang mag-girlfriend ang kanyang ex-boyfriend na si Joshua Garcia!
Excited na ipinasilip ni Bea Alonzo sa kanyang mga fans ang pangarap niyang makabili ng bahay sa Madrid, Spain.
Camille Prats, ipinasilip na sa kanyang mga fans ang kanilang bagong fully furnished na ipinatayong bahay.

Talagang napakatalented ni Lovely Abella dahil hindi lamang ito may taglay na talento sa pagsasayaw, ay magaling din itong host, comedian, actress at isa ding successful entrepreneur. Sa katunayan, ay ibinahagi ni Lovely ang kwento sa likod ng kanyang magandang bahay at magarang sasakyan.

Katuwang ni Lovely ang kanyang asawa na si Benj Manalo na isa rin celebrity. Madalas natin mapanood si Lovely sa Buble Gang at si Benj naman ay kilala sa karakter na si Pinggoy sa palabas na ‘Ang Probinsyano’.

Bagamat magkaiba ng istasyon na pinagtatrabahuan ay iisa naman ang layunin ng dalawa para sa kanilang pagsasama at hinaharap. Sabay nilang hinarap ang challenge ng pag-oonline selling na nagbunga naman ng pagpundar nila ng sariling bahay.

Sa virtual mediacon ng ika-25 anniversary ng late night comedy show ng GMA na ‘Bubble Gang’ ay emosyonal na ibinahagi ni Lovely ang kwento ng tagumpay nilang mag-asawa.

Ayon sa aktres ay matapang nitong hinarap ng pagla-live online selling hindi lamang para sa kanila ni Benj kundi para sa kanyang pamilya. “Ang naging focus ko, is kailangan naming mabuhay. Ang dami kong kapatid, ang daming nakaano sa akin, na parang kailangan ng tulong ko, ‘Yun ang iniisip ko’,” saad ni Lovely.

Naging malaking daan naman sa kanyang tagumpay ang pagiging parte ng ‘Bubble Gang’ na siyang nagbukas sa kanya ng maraming ideya na nakatulong sa pagbebenta.

“Kumbaga, ginagawa ko ring comedy kung papano magla-live selling, and dahil ‘yan sa character na nabubuo ko sa Bubble Gang, nagbibigay na opportunity nila sa akin. And at the same time siyempre napapanood ako lagi sa Bubble Gang,” pagbabahagi ni Lovely.

Madalas din itong magbenta sa kanyang co-stars at iba pang artista, na aminado naman ang aktres na kinailangan nitong tanggalin ang pagiging mahiyain. Sa kabila ng pagod at pagsisikap nila ay naabot naman nila ang isa sa kanilang mga pangarap, ang pagkakaroon ng sariling bahay at sasakyan.

COMMENTS