Relationship Goals: Magjowa na sabay sumabak sa ipon challenge, hindi inakala ang halaga ng maiipon nila.

Relationship Goals: Magjowa na sabay sumabak sa ipon challenge, hindi inakala ang halaga ng maiipon nila.


Dapat lamang na pareho ang hangarin at iisa ang layunin ng magkasintahan para sa pagbuo ng kanilang hinaharap. Tunay na kapalaran nila makilala ang is

Dating child star na si Agatha Tapan na kilala bilang ‘Trudis liit’, ito na pala ang buhay niya ngayon.
Viral walking hotdog vendor sa Makati, isang inspirasyon sa panahon ng pandemya.
Vice Ganda, proud sa dalawang kasambahay na pinag-arali nito dahil nakapagtapos na ito sa pagaaral.

Dapat lamang na pareho ang hangarin at iisa ang layunin ng magkasintahan para sa pagbuo ng kanilang hinaharap. Tunay na kapalaran nila makilala ang isa’t-isa hindi lamang upang magkaroon ng taong iibigin kundi upang magkaroon ng katuwang sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay.

Iba na ang henerasyon ngayon, at sa marami sa mga magkasintahan ay magkasama dumiskarte sa buhay upang sabay na aangat. Gayun na lang di ang magjowa na sina Jefter Inso at Sheila Dagohoy na nagpagpasyahan sumabak sa ipon challenge. Sa katunayan, ay viral ang magkasintahan na ito dahil marami ang na-inspire sa ginawa ng dalawa. Umabot ang kanilang naipon sa halagang Php. 25,000 pesos na isinagawa nila sa loob ng isang taon.

Ibinahagi ni Sheila sa kanyang facebook post ang kanilang pamamaraan ng pagiipon. Kung ang iba ay naka envelope ang ipon challenge, sila naman ay kumuha ng dalawang malalaking alkansya at pinuno ito ng paper bills at coins. Sa Kalaunan ay binuksyan na nga nila ang kanilang alkansya at ibinuhos sa sahig ang mga naipon na pera. Mapapansin sa picture ang tig piso, 5-peso, at 10-peso coins kasama na rin ang iba’t ibang halaga ng paper bills.

Masayang-masaya naman ang magjowa sa kanilang mga naipon at sa halagang P25 K ay maaari na silang makapagpatayo ng negosyo o sumabak sa mga food cart franchise. Ibinahagi naman ng dalawa ng plano nilang pagnenegosyo gamit ang naipong pera sa facebook post ni Sheila. Bilib na bilib din ang mga netizens at inulan ng papuri ang dalawa. Ayon sa komento ng isang netizen ay dapat lamang na sabay nagiipon ng pera ang magkasintahan at hindi umano nagiipon ng kabit. Ang ilan ay pabirong nagkomento na ‘by partner’ pala umano ang pagiipon kaya naman ay hirap daw siyang magipon ng pera.

Napakaganda ng ganitong goals para sa magjowa dahil hindi lamang sila sabay na nagiipon kundi sabay din nilang binubuo ang kanilang mga pangarap. Talagang hindi sa bawat panahon ay makikilala mo ang taong makakahawak-kamay mo, kailangan lamang ay lakasan mo ang iyong loob na umibig muli hangang sa makilala mo ang taong para sayo.

📷Sheila Dagohoy Facebook

COMMENTS