Tricycle driver noon, negosyante na ngayon! Alamin dito ang nakakahanga na kwento ng mag-asawang nakamit ang tagumpay sa pagbebenta ng ‘fried chicken’.

Tricycle driver noon, negosyante na ngayon! Alamin dito ang nakakahanga na kwento ng mag-asawang nakamit ang tagumpay sa pagbebenta ng ‘fried chicken’.


Hangad nating lahat na mapabuti ang ating mga buhay at magkaroon ng komporatbleng hanap-buhay kung saan ay hindi na natin poproblemahin ang ilalagay s

A man was saved by a doctor who happens to be the girl he’s put to school 11 years ago.
Ang kauna – unahang Filipino astronaut na makakarating sa Outer Space.
Ang nakakainspire na kwento ng OFW na nagsimula bilang yaya na ngayo’y isa nang abogado.

Hangad nating lahat na mapabuti ang ating mga buhay at magkaroon ng komporatbleng hanap-buhay kung saan ay hindi na natin poproblemahin ang ilalagay sa hapag-kainan. Ang iba ay nagsusumikap nag magtrabaho sa ibang bansa upang makapagpundar ng bahay at negosyo balang araw. Subalit ang tricycle driver-sweet lover na si Joymar Olarte, nakamit ang pinapangarap na bahay at negosyo sa pamamagitan lamang ng pagnenegosyo.

 

Hindi inakala ni Joymar na lalago sa anim na fried chicken stores ang dati ay binalewala lamang niya. Sa katunayan, isang kaibigan niya mula Zambales na si Inggo Baya ang nagsimula ng fried chicken business sa Pangasinan. Subalit kalaunan ay nagpasyang bumalik ang kaibigan at ibinigay ang recipe kay Joymar. Sa una ay balewala lamang dito ang ‘Inggo’s fried chicken’ subalit agad na nagbago ang kanyang isip nang matikman niya ito.

Ayon kay Joymar, ang recipe umano na binigay sa kanya ni Inggo ay recipe na ginagamit ng mga chef sa barko. Naisipan naman nila na wala masyadong nagbebenta ng fried chicken sa lugar nila kaya naman ay naisipan ng magasawa na magbenta nito. Ang kanilang panimulang capital ay nasa halagang P2,300 pesos. Mula ito sa inipon nilang mag-asawa sa pamamasada ni Joymar. Bumili si Joymar ng 20 kilos ng manok para sa kanilang unang sabak sa pagnenegosyo.

Ibinahagi din ni Joymar, na sa unang araw pa lamang ng kanilang pagtitinda ay nasimot agad ang kanilang binebentang fried chicken.

Patok sa panlasa, swak sa bulsa,” ang palging sinasabi ni Joymar sa kayang mga customer. Hindi na umano kakailanganin ng gravy dahil masarap na ang kanilang panindang fried chicken kahit walang sawsawan. Ang leeg na parte ng manok ay binebenta nito sa halagang P10 at ang ibang parte ay sa halagang P20 kada piraso kaya naman ay pinipilahan tlga ito ng mga taga Urdaneta.

 

Nagdesisyon mag-expand ng business ang mag-asawa at kumuha ng loan upang makapagbukas ng iba pang branches ng kanyang J&J Tasty Fried Chicken. Subalit nang dumating ang pandemya ay nasubok ang negosyo nila Joymar, “Dumating talaga sa point na walang-wala na kami.”

Nang tinanggal na ang lockdown sa lugar ay agad na bumalik sa pagtitinda ang mag-asawa, at mas lalo namang lumakas ang benta ng kanilang fried chicken. Ang payo ni Joymar sa mga nagbabalak sumabak sa pagnenegosyo, “Marami kayong pagdadaanan na pagsubok, pero laban lang tayo, kasi wala pang nalulugi na nagtitiwala kay Lord.”

 

Napili naman si Joymar bilang isa sa sampung honorees ng ika-18 Citi Microentrepreneurship Awards (CMA) sa kanilang lugar dahil sa nakakainspire nitong kwento ng pagsisikap at tagumpay.

COMMENTS