Lolo na hindi nakapagtapos sa pagaaral, mayroong resort at sikat na restaurant sa Iloilo. Alamin ang kanyang kwento ng tagumpay.

Lolo na hindi nakapagtapos sa pagaaral, mayroong resort at sikat na restaurant sa Iloilo. Alamin ang kanyang kwento ng tagumpay.


Isa sa nakakainpire na business man sa Iloilo ang lolo na nagtaguyod ng “Tatoy’s Manokan and Seafoods”. Kung iyong ise-search sa Google ang recommende

Isang nanay ang nakatanggap ng Php500,000 mula sa kanyang pitong anak bilang regalo sa kanyang ika-77th birthday!
Tatlong pulis ang tumulong sa isang babae na naabutan ng panganganak sa daan.
Dayuhan na taga Hongkong, nagpunta ng Pilipinas upang alagaan ang dati nitong nanny matapos malaman ang kalagayan nito.

Isa sa nakakainpire na business man sa Iloilo ang lolo na nagtaguyod ng “Tatoy’s Manokan and Seafoods”. Kung iyong ise-search sa Google ang recommended na mga kainan sa Iloilo, hindi nawawala ang restaurant ni Lolo Honorato “Tatoy” Espinosa sa listahan.

Ipinagdiwang ni Lolo Tatoy ang kanyang ika-90 na kaarawan nitong taon lamang. Sa katunayan ay nagiwan ng mensahe si Senator Dick Gordon sa kanyang facebook account patungkol kay Lolo Tatoy. Isa kasi ito sa mga malapit na kaibigan ni Lolo Tatoy at dumayo rin ito sa Iloilo para ipagdiwang ang kaarawan nito.

“Tinuturing ko siyang modelo at inspirasyon sa lahat ng Pilipinong negosyante na hindi naging hadlang ang kahirapan upang maging matagumpay sa larangan ng paglikha ng kabuhayan sa kanyang pamilya at komunidad,” pagkukuwento ni Senator Dick Gordon sa kanyang Facebook post.

Ayon din sa senador ay malaki ang paghanga nito kay Lolo Tatoy dahil hindi umano nito hinahadlangan ang sarili, “There are no borders in his mind. There are no fences. He cast away doubt in everything that he does. He has made fear his friend.” Dagdag pa ng Senador, “I always say this when I speak to others, ang policy ni Tatoy are – work, save, invest, prosper.”

Bata pa lamang si Lolo Tatoy ay naging mangingisda na ito at tumutulong sa ina na nagbebenta ng isda. Hindi man ito nakapagtapos ng mataas na antas sa edukasyon ay hindi nito hinayaang maging hadlang ang mga ito sa kanyang mga pangarap. Sa kalaunan ay nagbiyayaan rin ng malaking pamilya si Lolo Tatoy at ang asawa nito. Sila ay may siyam na anak at upang masuportahan ang pamilya ay nagpasya silang mag asawa na magtayo ng maliit na tindahan malapit sa dagat. Dito ay nagbebenta sila ng chicken barbeque at softdrinks.

Naging maganda ang takbo ng kanilang maliit na tindahan at natustusan nilang mag-asawa ang pagaaral ng kanilang mga anak. Lahat ng siyam niyang anak ay nakapagtapos ng iba’t-ibang degree sa kolehiyo. Sa mga panahon na iyon ay kakaunti lamang ang lamesa nila para sa kanilang mga customers kaya naisipan ng mga anak nito na bilhin ang lupa sa harap na pinagtatayuan nila ng maliit na tindahan.

Mula sa maliit nilang tindahan ay nagkaroon na sila ng indoor restaurant at iba pang branches sa Iloilo City. Gayun na lamang din ang convention center na pagmamay-ari ng pamilya nito na, Concejo Hall at ang resort nila na tinawag ding, “Tatoy’s”.

Ang apo ni Lolo Tatoy na si John Lex Bayombong ang nagsisilbing operations manager ng restaurant ni Lolo Tatoy. Isa sa mga palaging ibinibilin sa kanya ng lolo nito ay ang pagiging malinis sa pagkain at huwag magtipid sa mga ingredients na gagamitin. Ibinahagi naman ni Lex ang isa sa mga aral na ibinigay sa kanya ni Lolo Tatoy, tungkol sa pagbabahagi ng biyaya, “Hindi lang kabig ng kabig. Galing din siya sa hirap kaya alam paano maging mahirap.”

COMMENTS