Ivana Alawi, nagregalo ng 1M sa ina nitong si Mama Alawi para sa kaarawan nito.

Ivana Alawi, nagregalo ng 1M sa ina nitong si Mama Alawi para sa kaarawan nito.


“Milyonarya na ako,” ang sigaw ni Mama Alawi (a.k.a. Fatima Marbella) matapos mamitas ng sampung P100,000 cheques na nakasabit sa grape vines. Sa I

Kilalanin ang Anak ng dating Pba star na isa nang ganap na Pinay Basketball player.
Rayver Cruz at Julie Anne San Jose, hayagan na ang pag-amin ng kanilang tunay na relasyon: “Mahal kita…maghihintay ako kahit gaano katagal, nandito lang ako”!
Pokwang and Lee O’Brian celebrates Malia’s third birthday by giving food

“Milyonarya na ako,” ang sigaw ni Mama Alawi (a.k.a. Fatima Marbella) matapos mamitas ng sampung P100,000 cheques na nakasabit sa grape vines.

Sa Instagram post ni Ivana, ay nagiwan ito ng mensahe para sa ina na nagaruga at may walang humpay na pagmamahal sa kaniya. “You are [the] one person who never stopped believing in me and [in] my dreams. Thank you for raising us to be [as] strong, kind-hearted and giving as you are,” pahayag ng aktres sa post nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)

Ibinahagi di ni Ivana ang mga throwback pics ng kanyang ina. Walang duda kung daan nakuha ni Ivana ang ganda na mayroon ang aktres. Para sa kaarawan ni Mama Alawi ay nagpunta ang pamilya sa The Vineyard at Tanauan Hotel Resot sa Batangas. Kitang-kita ang magandang tanawin at malawak na lugar kung saan ay talaga namang nakaka-wala ng stress. Maraming amenities ang bigay ng resort para sa mga bisita nito tulad ng customary golf cart, at yatch ride.

Isa sa major experience na inooffer ng resort ay ang kanilang vineyard kung saan ay maaaring mamitas mismo ang kanilang guests ng grapes. Dito nila Ivana – kasama ang mga kapatid niyang si Hashim at Mona, isinagawa ang surprise birthday celebration para kay Mama Alawi. Ibinahagi naman ito ni Ivana sa kanyang vlog at sinabing, “Si mama mahilig siya magpitas, pero never niya na-experience [dito sa Pilipinas]. Ayaw niya ng gamit kasi saying. Gusto niya bumili ng mga pagkain para sa ibang tao.”

Kaya naman ay naisipan nito nag awing ‘cash’ ang ireregalong 1M sa ina. Sa katunayan ay napaka-witty ng naisip nito kung papaano ibibigay sa ina ang regalo. Sa halip kasi na ibigay ng diretso ang cash, ilagay sa bouquet o kaya naman ay ideposito sa banko nito, naisip ng magkakapatid na isabit ang pera sa mga grape vines sa resort. Ala-game show ang dating dahil naka timer umano ang pagpitas sa sampung pirasong cheke na nagkakahalaga na P100,00, each. Suma-total ay 1M peso lahat lahat ng cheke.

Masayang pinaghahablot ni mama Alawi ang mga cheke sabang sumisigaw ng, “Milyonarya na ako!” Matapos ang kanilang birthday event ay nagpapicture ang pamilyang Alawi habang yakap-yakap ang bawat isa.

 

COMMENTS