Guro na nagsuot ng Santa Claus costume at namigay ng regalo sa mga estudyante, nagtrending.

Guro na nagsuot ng Santa Claus costume at namigay ng regalo sa mga estudyante, nagtrending.


Papaano nga ba natin maipaparamdam ang diwa ng pasko sa iba pa nating kababayan? Para sa isang guro na ito, ay pinili nitong maging literal na Santa C

Mapagmahal na anak, Kiray Celis, pinahanga ang netizens sa ibinigay na Valentine’s gift sa magulang.
An 8-year old girl has a higher IQ than Einstein is taking up 2 Engineering Degrees at a young age
Ang kauna – unahang Filipino astronaut na makakarating sa Outer Space.

Papaano nga ba natin maipaparamdam ang diwa ng pasko sa iba pa nating kababayan? Para sa isang guro na ito, ay pinili nitong maging literal na Santa Claus at namigay ng mga regalo sa kanyang estudyante.

Sa facebook post ni Rochelle del Rosario Manggit, ay ipinakita niya ang isang babaeng guro na nakasuot ng Santa Claus costume. Ang facemask nito ay nagsilbing bigote ni Santa Claus at suot-suot din ng guto ang isang mala-ID na litrato ng kanyang sarili. Ito marahil ay upang makilala siya ng kanyang mga estudyante nang hindi na kailangan tanggalin ang kanyang facemask. Ito ay upang makilala na din ng mga magulang kung sino ang nasa Christmas costume.

Ayon dito ay matagal nang pinaghandaan ng guro ang araw na mamimigay ito ng regalo sa kanyang mga estudyante. Ang ipinamigay nito ay Jollibee meals at toys. Taos-pusong nagpasalamat din ang guro sa mga sumuporta ng kanyang ideya na ito at nagbigay donasyan sa kanyang gift-giving event.

Sa araw din na iyo ay nagsimula nang magikot ang guro at namigay ng Jollibee. Bagamat babad sa init ng araw ay masayang masaya umano ang guro na makita ang kanyang mga estudyante na masayang-masaya.

Ito ang buong mensahe sa post:

“Masaya akong makita na masaya ka”

Maraming salamat po sa lahat ng nagbigay ng tulong para maulit muli ang pag-ikot ni ma’am Santa Claus Di ko na po iisa isahin, alam nyo na kung sino kayo..

Sinadya ko pong iprint ang maganda kong mukha ay malapad pala..hehehe Kasi nagtatanong dw ang anak nila kung sino dw mam nila.. super happy ang mga bata, Yun Lang di ko alam kung sakin o kay Santa Claus ”

Maging ang mga magulang ay nagpasalamat sa munting gawain ni Ma’am Santa Claus. Umani naman ng maraming positibong reaksyon sa social media ang ginawa ni Ma’am Santa Claus. Tunay na nakakapag bigay ng saya ang pagiging matulungin sa kapwa.

COMMENTS