Working student noon na may apat na trabaho, proud graduate na ngayon.

Working student noon na may apat na trabaho, proud graduate na ngayon.


Hindi lahat sa atin ay pinalad na mamulat sa estado ng buhay kung saan ay hindi na kailangan pang mamoblema sa pangtustos ng pag-aaral o gastusin sa p

Kapalaran ng isang parking boy, nabago nang dahil sa ginawa nitong kabutihan at katapatan.
Estudyante mula Leyte, nakamit ang 20 Million pesos worth na premyo mula sa International Science Competition
Estudyanteng nagbebenta ng snacks sa eskwelahan upang may pang tuition, proud graduate na!

Hindi lahat sa atin ay pinalad na mamulat sa estado ng buhay kung saan ay hindi na kailangan pang mamoblema sa pangtustos ng pag-aaral o gastusin sa pang araw-araw na pangangailangan. Karamihan sa atin ay nagsusumikap na makabangon at makapagsustento sa sarili upang maabot ang pinapangarap.

Tulad na lamang ng estudyanteng si Anne Relente, na kinailangan pumasok sa iba’t ibang trabaho para lamang masustentuhan ang sarili at ang pangangailangan nito sa kanyang pagaaral. Bagamat patuloy ang suportang ibinibigay sa kanya ng kanyang mga magulang ay nagdesisyon pa rin si Anne na kumayod upang kumita ng pera.

Nagbenta ito ng sariling gawa na tie-dyed garments tulad ng damit, part time din itong gumuguhit ng portrait, naglalabandera, at naging student-assistant din. Isa sa mga iskolar si Anne sa programang Tulong Dulong Scholarship, ang Grants-in-Aid na programa ng Commission on Higher Education upang makatulong sa mga college students na hirap maitawid ang kanilang pag-aaral.

Dahil sa madiskarteng pamamaraan ni Anne upang kumita ng pera ay nakapagtapos ito ng kursong Bachelor of Science in Electronics and Communication Engineering sa Pamantasan ng Cabuyao sa Laguna.

Ibinahagi ni Anne ang kanyang kwento ng pasisikap at madiskarteng paraan sa kanyang social media nitong Nobyembre 2021. Kasama ng kanyang larawan na nakatoga ay inilakip din nito ang pagbebenta nito ng tie-dyed na damit sa tabi ng kalsada at pagguhit. Saad nito, “Part-time portraiture artist, nag part-time student assistant, nag sideline sa Lazada para may pang bili ng brandnew Scientific Calculator, nag sideline labandera. Hindi humingi sa magulang ng pang thesis at mga pang gastos kasi may established business na Dapit-Hapon.”

 

Nawa ay marami sa mga kabataan ngayon ang maagang mamulat sa buhay pagnenegosyo upang kumita ng pera na makakatulong sa kanilang pagtatapos sa pag-aaral.

 

 

 

 

COMMENTS