Binatang nahimatay sa gilid ng daanan, pakulo pala nito upang makapagpropose sa kanyang girlfriend.

Binatang nahimatay sa gilid ng daanan, pakulo pala nito upang makapagpropose sa kanyang girlfriend.


Hanggang saan ka dadalhin ng galing mo umacting? Para sa binatang ito, nauwi sa kasalan ang pakukunwari nitong nahimatay at kasabwat pa niya ang buong

Heartfelt story of an OFW who worked in Saudi and toured countries
Estudyanteng nagbebenta ng snacks sa eskwelahan upang may pang tuition, proud graduate na!
Estudyante mula Leyte, nakamit ang 20 Million pesos worth na premyo mula sa International Science Competition

Hanggang saan ka dadalhin ng galing mo umacting? Para sa binatang ito, nauwi sa kasalan ang pakukunwari nitong nahimatay at kasabwat pa niya ang buong pamilya.

Maraming proposal videos ang nagtrending dahil sa kakaibang mga estilong ipinapakita ng mga binatang ito upang masorpresa ang kanilang kasintahan. Ang ilan ay idinadaan sa pagsasayaw, sa karaoke, sa pagti-tiktok, at mayroon din namang idinaan sa romantic date. Subalit taob silang lahat kay groom-to-be na si Ronald Lapinig mula Malolos, Bulacan, nang ipost nito ang estilo niya sa pagpo-propose.

Sa halip kase na idaan sa romantic gestures ang pagpo-propose nito ay pinakaba muna nito ang dalaga. Umacting itong nahimatay sa labas ng kanilang bahay. Todo suporta naman ang kanyang pamilya na tinapatan ang acting level ni Ronald at agad na agad sumaklolo kay Ronald. Sama-sama nilang binuhat si Ronald sa isang upuan at inutusan pang kumuha ng pamaypay ang girlfriend nitong si Maricar. Habang patuloy na inaalalayan ng kamag-amak ang ulo ni Ronald ay bumalik naman si Maricar at agad na pinaypayan si Ronald. Punong-puno ng pagaalala, ay kinakausap ni Maricar habang pinapaypayan ang nagkukuwaring nahimatay na jowa.

Maya-maya ay agad na gumising si Ronald at lumuhod sa harap ni Maricar. Sa kamay nito ay ang pulang box na naglalaman ng engagement ring.

 

Tila naiinis na hinampas ni Maricar ng pamaypay si Ronald at naglakad papalayo subalit hinarang ito ng pamilya ni Ronald. Nakangiti naman ang dalaga nang humarap kay Ronald at inabutan ng flower bouquet. Habang ang ever supportive family ay inilatag na ang poster na may nakasulat na, “Will You Marry Me?” at patuloy na pumapalakpak sa dalawa.

Ayon sa video uploader na kapatid ni Maricar na si Missy Reyes, “Halo-halo na ‘yung nararamdaman ko, kaba, saya at pagmamahal.” Inamin naman ni Ronald sa kanila na balak umano nitong magpropose kay Maricar pagkatapos nilang sumamba, “Ang balak talaga ni Ronald noon ay magsisimba sila bubuksan ‘yung poster pag uwi nila. Ang sabi ng tito ko, lagyan daw ng twist para raw maganda.”

Inulan ng pagbati ang comment section para sa engaged couple. Ayon sa isang facebook user, “Yung simple lang ang preparations pero may konting pakulo kaya naging special.. SANA ALL! Congrats po!” Maraming netizens ang natuwa lalo na sa suporta na ipinamalas ng pamilya para kanila. Congratulations Ronald at Maricar! Panoorin ang video rito.

 

 

COMMENTS